Dilim at Bituin
Sa bawat gabi, may dalawang mukha ang mundo-ang kadiliman na nagtatago ng mga lihim, at ang mga bituin na tahimik na nagmamasid sa taas. Sa pagitan ng liwanag at dilim, may mga kwentong hindi lubusang naisasalaysay-mga damdaming pilit ikinukubli, mga aninong naglalakad sa katahimikan, at mga pangarap na kumikislap sa kawalan.
"Dilim at Bituin" ay isang koleksyon ng mga tula na sumasalamin sa iba't ibang kulay ng buhay. Sa bawat pahina, mararamdaman mo ang:
✨ Pag-ibig - Isang liwanag sa madilim na gabi, isang bituing bumagsak mula sa langit, isang pagmamahal na hindi naabot o isang damdaming ipinaglaban hanggang sa dulo.
🌑 Takot at Hiwaga - Mga aninong bumubulong sa likod ng pinto, mga yapak sa sahig na walang may-ari, at mga lihim na tinatago ng kadiliman.
🌠 Pangarap at Pag-asa - Ang mga bituin ay hindi lang palamuti ng langit; sila ang mga pangarap na sumisikat kahit sa pinakamadilim na gabi.
🌪 Pighati at Sugat - Dahil minsan, ang dilim ay hindi lang nasa paligid kundi nasa puso. May mga kwentong masakit balikan, ngunit kailangan upang muling sumikat ang araw.
Sa pagitan ng dilim at bituin, matutuklasan mo ang sarili mong kwento isa ka bang bituin na patuloy na nagniningning, o isa ka bang aninong naghihintay ng sariling liwanag?
Tula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na.
Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka bukas siya ay nasa iyo ng bisig.
Tula para sa mga taong mahahalaga, tula na iaalay para sila'y mapasaya, at tula na mananating sila ang bida.
Tula para sa bawat istorya, tula na may malalalim na rason kung bakit nailathala, at tula para pulutan ng aral at pag-asa.
August 17,2018
#1 Poetry
#2 in Spoken Poetry
#2 in Poems
#2 in Spoken Words