Sa bawat eskwelahan, laging may isang lugar na may kakaibang kwento. Sa St. Isko National High School, lahat ng estudyante may gustong malaman-ano nga ba ang lihim ng 4th Floor CR?
Sabi nila, may multo raw. Sabi ng iba, may sikreto lang talaga ang mga estudyante roon. Pero sa totoo lang? Ang tunay na horror ay ang exam na di mo pinaghandaan, recitation na di mo alam ang sagot, at baong sakto lang sa isang stick ng fishball.
Kasama si Miguel at ang kanyang tropang makukulit-Mara, Bry, at Cheska, sabay-sabay nilang haharapin ang pinakamalupit na kalaban ng high school students: terror teachers, P.E. na puro takbo, group work na solo mo lang ginagawa, at pag-budget ng baon hanggang uwian.
Mula sa sikretong kopyahan techniques, love story na hanggang titigan lang, at flag ceremony na parang marathon, siguradong relatable, nakakatawa, at nakakabalik-tanaw ang mga kwento sa librong 'to!
Pero ang tanong... handa ka na bang malaman ang tunay na lihim ng 4th Floor CR? 🤔🚽
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG]
STATUS: COMPLETED
Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would certainly do everything to have one as his own ngunit ang problema eh hindi niya kayang kumain ng tahong. Sa puso niya isa siyang reyna ng mga unicorn at mamatay sa ngalan ng bahaghari. Sa di inaasahang pangyayari siya ay naging instant mommy sa isang kyut na chikiting na nasagip niya mula sa mga goons na humahabol dito.
Makakaya kaya niyang maging motherhood sa isang bulilit? Paano kong isang araw kumatok sa pinto niya ang ubod ng gwapong lawyer at magpakilala bilang tatay ng bata? Makakaya kaya nilang malayo sa isa't-isa?
Book cover made by: @IThinkJaimenlove/ Jaime Kawit