Ang pagkakaroon ng pagkakamali sa buhay ay bahagi ng pagiging tao natin. Pero, hanggang kailan nga ba tayo dapat singilin sa pagkakamaling matagal na nating pinagsisihan at pinagbayaran? Kailan patatahimik ng multo ng nakaraan ang kasalukuyan? May pag-asa bang makakamit sa paghihiganti? Tunay nga kayang ito ang magbibigay ng kasiyahan kay AJ? Alamin ang mga kasagutan sa storyang GANTI. Samahan natin Si AJ Smith sa paghahanap ng tunay na kaligayahan sa buhay. ***** Hello dear readers. Andito na ko muli. Salamat po sa mga sumubaybay sa kauna-unahan kong istorya dito sa wattpad, ang MY EX-BESTFRIEND. Samahan nyo po nawa muli ako sa isa na namang kwento ng pa-ibig na may kahalong kadramahan at paghihiganti sa buhay. Sa pagkakataong ito, hindi na ito hango sa totoong buhay, kaya maipapangako ko na sa inyo ang #HappyEnding.☺