"May isang batang lalaki na nagngangalang Ryne. Sa paningin ng iba, isa lang siyang ordinaryong bata, pero sa kanya... hindi. Madalas siyang nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba-mga aninong gumagalaw sa dilim, mga bulong na dumadagundong sa kanyang pandinig, at mga presensyang hindi matahimik.
Sa kwentong ito, matutunghayan mo ang mga kakaibang karanasang naranasan ni Ryne-totoo nga bang may ibang mundo sa likod ng ating realidad? O isa lang itong bangungot na hindi niya kayang takasan?"