"Sa buong buhay niya, tanging ang kapatid niyang may kapansanan sa pag-iisip ang kasama niya. Siya ang nagtataguyod at nag-aalaga rito. Isang hapon, habang nangangahoy sila sa bukana ng gubat, biglang tumakbo ang kapatid niya at ayaw magpahabol. Pilit niya itong hinabol, ngunit hindi niya ito mapigilan hanggang sa tuluyan na silang lamunin ng dilim.
Habang patuloy silang naliligaw sa kagubatan, unti-unti nilang natuklasan ang mga nilalang na akala nila'y hindi totoo. Ang iba'y naging kakampi, habang ang iba'y nagsilbing hadlang sa kanilang paglabas. Sa loob ng pitong araw, tinahak nila ang isang misteryosong pakikipagsapalaran, isang paglalakbay na maaaring magbago sa kanilang buhay magpakailanman."