Story cover for Ang Mutya Ng Banakon  by JackCastilloMalabag
Ang Mutya Ng Banakon
  • WpView
    Reads 2
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
  • WpView
    Reads 2
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Ongoing, First published Mar 01
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ivan, isang binatang magmamana ng isang bagay na magbibigay sa kanya ng isang napakalaking responsibilidad. Responsibilidad at Obligasyong ibibigay sa kanya ng kanyang lolong albularyo sa sandaling ito ay pumanaw na. At ito ang pagiging bagong tagapangalaga at tagapagmana ng Mutya ng Banakon at ng Mahiwagang Punyal na siyang magiging pangunahing sandata nito sa pakikipaglaban sa mga nilalang ng kababalaghan na hindi niya buo akalain na makakasagupa at magkakalaban niya. At ito ang mga Aswang, Manananggal, Tiyanak, Sigbin, Tiktik at iba pa.

Dahil dito, mapipilitan siyang bitawan ang mga pansarili niyang interes upang unahin ang kapakanan ng kanilang bayan na sa pagkakataong yun ay ginugulo ng masasamang nilalang. Sa sandaling lunukin niya ang mutya ng banakon na iniluwa ng kanyang lolo noong ito ay namatay, kikilanin rin siya ng mahiwagang punyal na ipinamana rin sa kanya ng kanyang lolo na nagmula pa sa kanyang lolo sa tuhod. Dahilan para magkakaroon din siya ng iba't ibang uri ng katangian at kasama na doon ang  
kakayahang mapasunod ang mga banakon (King Cobra's) at ang iba pang uri ng mga ahas. At doon magsisimula ang panibagong yugto ng kanyang buhay ang maging isang ganap na manunugis ng mga halimaw at bagong tagapagtanggol ng kanilang bayan laban sa pwersa ng kasamaan at kadiliman.
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Ang Mutya Ng Banakon to your library and receive updates
or
#45darkfantasy
Content Guidelines
You may also like
Dark Legend: Prince of the Vampire by Clorkwise_117
47 parts Complete
Dark Legend: Prince of the Vampire Genre: Epic Vampire Novel Sa kailaliman ng isang lumang kabaong, isang nilalang ang muling nagmulat ng kanyang mapulang mata-ang Prinsipe ng Kadiliman. Siya si Marios, isang bampirang may mahabang buhok, isang mandirigma ng gabi, at isang mala-anino sa kasaysayan ng mundo. Ang kanyang uhaw sa dugo ay hindi lamang isang sumpa, kundi isang kapalarang hindi niya matakasan. Ngunit hindi tulad ng ibang bampira na walang habas sa pagpatay, si Marios ay may kakaibang paninindigan-pinapatay niya lamang ang mga sakim at makasalanang tao. Subalit ang kanyang pagkatao ay natatakpan ng takot at maling pag-unawa ng mga mortal. Sa kanilang paningin, isa siyang halimaw na may dalang kamatayan, isang aninong maaaring sumalakay anumang sandali. Ngunit isang lihim ang bumabalot kay Marios-hindi siya isang ordinaryong bampira. Sa kanyang mga ugat ay dumadaloy ang dugo ng sinaunang lahi, isang sumpang bumabalot sa kanyang pagkatao. At higit sa lahat, may isang bagay siyang itinatago-isang propesiya na nagsasabing siya ang magiging dahilan ng pagbagsak ng mundo... o ng pagsilang ng isang bagong panahon. Sa dilim ng gabi, hindi lamang mga tao ang kanyang mga kalaban. Mga nilalang na matagal nang nakalimutan ng sangkatauhan-mga gutom na zombie, mga nilikhang nagtatago sa anino, at ang mga diyos ng kadiliman na nais siyang wasakin. Ngunit sa kabila ng kanyang lakas, may isang bagay na kinatatakutan ni Marios higit sa lahat-ang liwanag ng araw. Sa sandaling masinagan siya ng sinag nito, masusunog ang kanyang laman hanggang sa abo. Ngunit paano kung ang araw mismo ang maging susi sa kanyang tunay na kapangyarihan? Sa isang mundo kung saan ang dugo ang tanging batas at ang dilim ang kanyang kaharian, matutuklasan ni Marios na ang pinakamalaking lihim ay hindi ang kanyang pagiging bampira-kundi kung sino siya bago pa siya naging isa. Siya ba ay isang bayani? O isang sumpa ng mundo?
"Panaginip"[Completed] by Danlans
44 parts Complete Mature
Alam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tadhana. Ganyan ang buhay ni Melanie Piamonte. Mula sa pagdurusa ay lalong napunta sa mas matinding pagdurusa. Mula naman sa pagdurusa, ay biglang guminhawa!Tila isang panaginip na biglang nagbabago ng scene sa isang iglap. Sama-sama po nating tunghayan ang buhay ng aking bida. Sabay-sabay tayong mamangha kung papaanong nalampasan niyang lahat nang paghihirap sa kanyang buhay. Samahan ninyo akong kiligin sa mga cheesy lines ng aking mga bida. At pare-pareho nating isabuhay ang mga aral sa buhay na naglipana sa loob ng aking kwento. At tiyak na masasabi mo talagang, Ang buhay ng tao ay may iba't ibang mukha. Totoong ang bawat nilalang na ginawa ng Mahal na Panginoon ay may kanya- kanya ng kapalaran bago pa iluwal sa mundo. At ito masdan mo... ang aking kwento! Bangungot! Panaginip! Realidad! Ang buhay ng aking bida na nagsimula sa isang bangungot. Na naging tila isang magandang panaginip na biglang naging tunay na buhay. ------------- Aral: --Hindi masamang mangarap lalo na kung alam mong bukas-mata mong natatanaw ang hinaharap. --Hindi masamang lumipad lalo na kung alam mong abot ng iyong pakpak. --Kapag ang isang bagay ay hindi para sa iyo, malamang para sa iba iyan! --At kasabihang kapag hindi ukol ay walang.....bukol.! --At kapag ikaw ay nagising sa isang magandang panaginip... Huwag mo nang piliting ulitin at baka ikaw ay bangungutin. Just saying... WP-DANLANS MATURE CONTENT COMPLETED COVER DESIGN:KIDDOGRAPHICS
You may also like
Slide 1 of 8
Aswang Hunter | New Blood cover
Ang Engkantong Malibog  cover
Paraluman cover
AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished) cover
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1 cover
Dark Legend: Prince of the Vampire cover
Kasangga: Ang Pagtuklas cover
"Panaginip"[Completed] cover

Aswang Hunter | New Blood

109 parts Complete

"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na nangyayari sa pagitan ng mga Aswang at Hunters. Isang gabi, minalas si Pepe na masangkot dito. Pero malas ba talaga ito o swerte? Simpleng tao lang kasi si Pepe; estudyante sa umaga, tindero ng balut sa gabi, bukod sa dalawang iyan ay wala na siyang inaatupag kung hindi ang kanyang pamilya at ang kanyang lihim na pagtingin sa kaklase na si Pia. Bukod sa mga aswang; guguluhin din si Pepe ng mga bal-bal, kapre, diwata, mga mangkukulam at iba pa. At paano naman siya lalaban? Sa maraming paraan; nandiyan ang panloob na espiritwal na enerhiya na taglay ng mga tao, nandiyan din ang espiritwal na enerhiya sa paligid at mga elemento at higit sa lahat nandiyan din ang mahiwagang Dignum, ang misteryosong itim na kahoy na pwedeng gamitin na sandata o gamit. Unti-unti niya itong matututunan at tuluyan nitong babaguhin ang pagtingin niya sa mundo. Ito ang simula ng kanyang laban at pakikipagsapalaran. Ito ang kwento ng Aswang Hunter.