Kapag nagpost ka sa isang Social Media lalo na sa Facebook ng #WalangForever, asahan mong puputaktihin ka ng mga comment na 'BITTER!'.
Sabi nga nila, 'Ang taong hindi naniniwala sa Forever malamang bitter'.
Wala ng Freedom of Speech ano?
Pake nila kung hindi ka naniniwala sa Forever.
Gaganda ba kinabukasan mo kung maniniwala ka sa Forever?
Mabubusog ka ba?
Papayat ka ba o tataba?
Tatalino o di kaya magkakaroon ng super powers?
Hindi naman diba??
At kahit kailan, hindi magkakaintindihan ang mga taong may magkaibang paniniwala.
Kasi once na pinaniwalaan mo na, mahirap ng baluktutin iyon.
May magtangka mang baguhin ang paniniwala mo, hindi parin nila tuluyang maiiba ang paniniwala mo.
Lalo na kung ikaw mismo ang nakaranas.
Yung ikaw ang iniwan,
ikaw ang niloko,
ikaw ang inuto,
ikaw ang pinaglaruan,
ikaw ang pinagpustahan,
ikaw ang nakaranas ng sakit.
Ang magandang solusyon ay #WalangPakialamanan
May iba namang kahit hindi naman nakaranas ng malagim na hiwalayan eh hindi rin magawang paniwalaan ang Forever.
Ang sabi.
Bitter agad?
Aysush!
Hindi ba pwedeng NBSB tapos mahilig lang manood ng mga LoveStory na hindi happy ang ending?
Hindi ba pwedeng base sa nakikita at naririnig.
Kunwari yung bespren niya eh niloko ng hayup na manlolokong babaerong gwapong boypren.
Syempre ang papasok agad sa isip ay, Hashtag Walang Forever!
Kung sa kanila nga nangyari, sayo pa kaya?
Kasi diba walang pinipili ang panahon?
Kahit sino pwedeng makaranas ng sakit.
Maramdaman mo mang siya na ang The One.
Hindi mo parin siguradong kayo na until the end.
Lahat ng tao ay nagbabago.
Dahil walang permanente sa mundo.
Sa huli masasabi mo nalang sa post mo,
#WalangForever
Psychopath Series #1
She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage of her, still forgiveness is what she have. Life is too miserable for Shaya Aerin, until she met the guy who will changed her path.
Meet James Khong her possessive boyfriend.
Warning: some scenes and words are not suitable by very young readers. Characters, events and places are only imagination of the Author everything that happened in this story doesn't exist in real-life.
Salamat sa lahat ng sumuporta
Read at your own risk!