Ang kwentong ito ay base sa tunay na makasaysayang mga pangyayari, sinusundan nito ang paglalakbay ng isang American Filipino nurse na si Emily Wilson sa kanyang pagpasok sa mundo ng pagiging navy nurse sa gitna ng digmaan. Ito ang panahon kung saan pinamunuan ng America ang pilipinas,labis ang tuwa ni Emily nang mabigyan siya ng pagkakataon at mapili bilang isa sa navy nurses para maipadala sa Pilipinas.
Na assigned siya na sumama sa ilan sa mga Amerikanong nurse at doctor sa naval base ng America sa pilipinas, dito siya nakapag medical checkup para sa ilang American soldiers na narito sa pilipinas. Magandang oportunidad ito para sa kanya sapagkat hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong tulad niya kahit na kalahating amerikano siya.
Bago man iyon ay makikilala niya ang dalawang matalik na Amerikanong magkaibigan na sina Zeke Fontaine at Gabe walker na papasok din sa mundo ng digmaan bilang isang piloto, dito magsisimulang magbanggaan ang kanilang mga buhay bago pa magsimula ang world war 2 at ang pag bomba ng Japanese sa Pearl Harbor at pag atake sa Pilipinas.
This war would test their friendship bravery and faith.