Sa isang relasyon, hindi lang puro saya may lungkot, may tampuhan, at minsan, may mga sugat na iniwan ng nakaraan. Pero paano kung ang taong minahal mo nang lubos ay siyang taong nasaktan ka rin ng sobra? Paano kung sa kabila ng lahat ng sakit, siya pa rin ang gusto mong piliin?
Ito ang kwento ng isang pag-ibig na hindi perpekto, pero totoo. Isang love story na hindi lang tungkol sa kilig, kundi tungkol sa pagsubok, pagkakamali, pagpapatawad, at pagpili araw-araw. Sa Kabila ng Lahat ay isang halo ng personal na karanasan, aral, at kwentong puno ng pagmamahal at realisasyon.
Minsan, ang pagmamahal ay hindi lang tungkol sa tamang tao, kundi kung paano natin pipiliing manatili kahit mahirap, kahit masakit, kahit hindi perpekto.
Kung iniwan ka na ng tiwala, kaya pa bang ibalik ng pagmamahal?