Storya ito ng isang babaeng nagngangalang Maja- (obvious naman sa title 'di ba?) *death glare*- Siya ay simpleng babae lamang na may makulay na imahinasyon. Mahilig syang magdaydream. Kasi, atleast manlang sa daydreams nya, masaya sya. Sa totoong buhay kasi, HINDI. Hindi sya pala-ngiti kasi wala naman syang dahilan para ngumiti. Dahil dun, konti lang ang mga kaibigan nya. Madalas napagkakamalan syang maldita. Pero madalas nilalait sya (lalo na ng pamilya nya) pinagtatawanan (ng mga classmates nya), bina-backstab (ng mga 'kaibigan nya'), minamaliit ng mga tao, minamata, at dinededma (ng mga crush n'ya). Malungkot ang buhay nya kaya ba't pa sya ngingiti, 'di ba?
Pero... kahit ganun yung mga taong nakapalibot sakanya, hindi nya pa rin magawang magalit sakanila. Siguro nga, mabait sya. Pero, hanggang kailan?
Hanggang kailan nya matitiis lahat ng yan?
Paano pag lubusan na syang nasaktan at dahil dun, nagbago na sya.
Paano pag nawala na ang dating Maja?
Maibabalik pa ba s'ya?