Para sa akin isa ito sa pinaka mahirap/masakit na mararamdaman ng isang tao na nagmahal o nagmamahal kahit alam nyang never sya magugustuhan ng kanyang mahal, mahirap ipilit ang sarili sa taong ayaw o di ka gusto. Hindi mo naman kasi pwedeng utusan ang puso na yung taong gusto mo ay magustuhan ka rin. Dahil ang puso may sariling isip yan! Kusa nalang titibok kung minsan sa maling tao pa at hindi mo masasabi kung kelan, saan at kanino. Hindi mo rin ito pwedeng pigilan dahil habang pinipigilan mo ay lalong tumitindi, masakit malaman o makita yung taong mahal mo ay may mahal nang iba, at ang tingin lang nya sayo ay isang kaibigan!
Kung ayaw sa atin ng taong gusto/mahal natin ay wag natin pilitin kasi mas masakit yung pinilt nating kunin sya pero yung puso nya ay nasa iba( kasama mo nga sya pero hindi ikaw ang mahal nya ). Masakit man kailangan nating tanggapin at palayain yung taong mahal natin, kung sa iba sya liligaya/masaya maging masaya tayo para sa kanya., Darating din ang panahon na yung sakit na nararamdaman natin ay mawawala/maghihilom.
Wag tayo magpakatanga sa taong hindi tayo magugustuhan kailaman! Dahil kung talagang mahal/gusto tayo ng taong gusto/mahal natin hindi nya tayo hahayaang masaktan nang dahil sa kanya.
Ma swerte ka kapag yung taong gusto mo ay gusto ka rin,marami man kayo napapagdaanan pero sabay nyong hinaharap at nilalabanan yon! kaya sa mga taong natatagpuan na nila ang tunay na pagibig ay pagkaingatan nyo dahil marami sa atin ang nagmamahal ng palihim at nasasaktan, dahil yung mga taong gusto/mahal nila ay iba ang gusto.
Masarap magmahal o iparamdam ang tunay na pagibig sa tamang tao at sa taong ganoon din ang nararamdaman para sayo.'' Dahil ang tunay na pagibig kahit masakit man papalayain nya ang taong mahal/minamahal nya at tatanggapin na yung taong mahal nya ay magiging masaya sa iba''.