Sa isang mundo kung saan ang liwanag at kadiliman ay patuloy na nagbabanggaan, isang anghel ang bumagsak mula sa langit, hindi dahil sa kasamaan, kundi dahil sa isang kasalanang hindi niya maunawaan.
Si Keifer, isang dating mataas na anghel, ay ipinatapon sa mundo ng mga tao matapos niyang suwayin ang isang batas na hindi niya lubos na naiintindihan. Ngayon, may misyon siyang kailangang tuparin upang makabalik sa kanyang pinagmulan, hanapin ang isang taong nawalan ng pananampalataya at muling pag-alabin ang kanyang paniniwala sa Diyos. Ngunit may isang mahigpit na kautusan:
"Isang kasalanan ang umibig sa isang tao."
Sa kabilang banda, si Yuri Valdez ay isang ordinaryong tao na tila isinumpa ng tadhana. Sunod-sunod ang kamalasang dumarating sa buhay niya, pagkawala ng tiwala sa pamilya, pagkasira ng puso, at pagkawala ng paniniwala sa anumang bagay na mabuti. Sa kanya, ang Diyos ay isang kathang-isip lamang, isang ilusyon na hindi kailanman nakinig sa kanyang mga dasal.
Pero isang trahedya ang babago sa lahat, isang gabing punô ng ulan, isang aksidenteng muntik nang kumitil sa kanyang buhay, at isang pares ng mga malamlam ngunit mahiwagang mata ang huling bagay na kanyang nakita bago siya mahulog sa kadiliman.
Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, hindi lang pananampalataya ang malalagay sa pagsubok, kundi pati na rin ang kanilang damdamin. Paano kung ang dapat niyang iligtas ay siya ring magiging sanhi ng kanyang pagbagsak? Makakabalik pa ba si Keifer sa langit, o mas pipiliin niyang mahulog muli-ngunit sa pagkakataong ito, sa pangalan ng pag-ibig?
Isang kwento ng tukso, sakripisyo, at pagmamahal na ipinagbabawal, ito ang
"Wings of Temptation."
Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupayan: ang makalimutan ang nakaraang tinakasan niya. Kasabay ng pagtapak niyang muli sa lupang pinanggalingan ay ang paghabol sa kanya ng isang trahedyang sinubukan niyang limutin ngunit hindi nagawa. Bawat pagkakaktaon ay sinusugod siya ng mga alaalang matagal na dapat nabaon sa limot. At hindi ito titigil sa panggugulo hangga't hindi niya ito pinapansin at hinaharap. Lalo na at determidado itong ipaalala ang lahat ng pinakamasasaya at pinakamasasakit na parte ng nakaraan niya.
Hindi na niya ito tinalikuran, hindi na siya tumakbo, hindi na siya umangal na maaaring isa na naman itong patibong upang maranasan niyang muli ang lahat ng pinagdaanan noon. Natatakot siya, oo. Ngunit buong puso niya itong sinalubong.
Maraming tanong sa isip niya. Talaga nga bang maibabalik pa ang isang bagay na matagal nang nawala? Maaari nga bang ipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan mula sa nakaraan? Kung oo ang mga sagot dito, nasaan na? Mararanasan pa ba niya? Ipaparamdam pa bang muli sa kanya? Nasaan na ang pag-ibig na noo'y pinag-ingatan niya?