
Sa mundong puno ng doble-karang hustisya at mapanghusgang tingin, si Kiana Claire ang babaeng hindi sumusunod sa mga patakaran ng lipunan. Sa araw, isa siyang anino na tahimik na nagmamasid. Pero pagsapit ng gabi, siya ang reyna ng sarili niyang laro-mapanukso, mapang-akit, at walang inuurungan. Sanay siyang akitin, sanay siyang iwanan bago maiwan. Para kay Kiana, laro lang ang lahat, at matagal na niyang tinanggap ang mga bansag na ibinato sa kanya: pokpok, malandi, makati. Pero sa likod ng kanyang matapang na imahe, may mga sikreto siyang hindi alam ng karamihan-mga sugat na tinakpan ng pulang lipstick at pekeng mga ngiti. Hanggang sa dumating ang isang lalaking hindi niya inaasahang papawi ng kanyang kontrol sa laro. Isang lalaking hindi basta bumibigay sa isang sulyap o bulong sa tenga. Sa pagitan ng gabi at umaga, tukso at totoo, masasagot kaya ni Kiana kung sino nga ba siya sa likod ng mga titulong ipinilit ng mundo? At kapag puso na ang nakipaglaro, sino nga ba ang unang bibitaw? Isang kwento ng laban para sa kalayaan, pagpili, at pag-ibig sa sarili. Sa dulo, matatalo pa ba ang babaeng sanay manalo?All Rights Reserved
1 part