Marc Maki: Ngiting May Lihim, Tawanan sa Dilim
(Ongoing | Friendship, Comedy, Drama, Slice of Life)
Si Marc "Maki" Hidalgo-ang hari ng kulitan, tropang walang inuurungan, at laging may bagong banat-ang tipo ng taong parang walang iniindang problema. Sa loob ng classroom at sa tropahan, siya ang energy booster, ang pinaka-maingay, at ang unang magpapatawa sa grupo. Pero sa likod ng bawat biro at pang-aasar, may mga bagay siyang hindi sinasabi-mga laban na hindi niya kayang ipakita kahit sa pinakamalalapit niyang kaibigan.
Habang patuloy siyang nagiging haligi ng saya sa tropa, unti-unting lumalalim ang mga bitak sa mundo niya. Kailan niya aaminin na hindi lahat ng nakangiti ay masaya? O mas pipiliin niyang magtago sa tawanan hanggang sa wala nang matirang ngiti para sa kanya?
Isang kwento ng pagkakaibigan, pagpapanggap, at tahimik na laban-kung saan hindi lahat ng sigmang tumatawa, tunay na masaya.
•WARNING•
-Swear words are used huhuhu