We Got It All For Us (Filipino Edition)
22 parts Complete MaturePara kay Casper, isang distraction para sa kanyang quarterlife crisis ang pag-iikot sa mall. Marami na siyang napuntahan at napost sa social media. Pero hindi niya inaasahan na ang kanyang pag-iikot sa isang lumang mall sa Makati ang magiging simula ng bago niyang buhay...
Lumaki si Jigo sa Metro Central na parang tinapon lang doon ng kanyang ama. Lahat ng luho ay meron siya - magagarang kotse, milyon sa bangko, malaking penthouse...pero kulang siya sa pagmamahal at atensyon. Problema niya paano magsisimula bilang tagapagmana ng negosyo, at baka kailangan din niya ng magtuturo paano ba talaga ang pag-ibig.
Sa pagkikita nilang dalawa, hindi nila inaasahang magiging magkatuwang sila ng isa't isa. Pero magiging matibay pa rin kaya ang kanilang relasyon, kahit na marami silang pagkakaiba? Magiging matatag ba sila habang ang mall na tinuring nilang tahanan ay nanganganib na maglaho?