Story cover for APO NG MABAGSIK NA MAMBABARANG by EnchantresStories
APO NG MABAGSIK NA MAMBABARANG
  • WpView
    Reads 552
  • WpVote
    Votes 40
  • WpPart
    Parts 11
  • WpView
    Reads 552
  • WpVote
    Votes 40
  • WpPart
    Parts 11
Complete, First published Mar 12
Mature
APO NG MABAGSIK NA MAMBABARANG

Sa baryong puno ng takot at bulong-bulungan, isa ang pangalan ni Lola Mina sa mga hindi binabanggit nang walang pangamba. Kilala siya bilang isang mambabarang, dahilan upang ilagan siya ng buong bayan. Ngunit sa kabila ng takot ng iba, ang kanyang nag-iisang apo-si Adelina-ay iba. Masayahin, palakaibigan, at walang kamalay-malay sa tunay na kapangyarihang nananalaytay sa dugo ng kanyang pamilya.

Ngunit isang araw, isang grupo ng mga batang lalaki ang lumapit kay Adelina. Mga anak ng matatandang tsismosa, may nalalaman sila tungkol sa katauhan ng kanyang lola. Sa una, panunukso lamang. Hanggang sa dumating sa puntong sinaktan nila ang bata-isang pagkakamaling hindi nila kailanman mapapatawad.

Mula noon, nagsimulang gumapang ang bangungot sa buong baryo. Isa-isa, ang mga batang nanakit kay Adelina ay tinamaan ng misteryosong sakit. Dumami ang peste, gumapang ang mga insektong nagpapahirap sa buhay ng mga tao. At nang magsimula ang sunod-sunod na pagkamatay-hindi lang ng mga binata kundi pati ng kanilang mga pamilya-alam nilang isang sumpa ang bumalot sa kanila.

Nang ang buong bayan ay nasa rurok na ng takot, isang balita ang kumalat-wala na sina Adelina. Umalis na sila, walang nakakaalam kung saan. Ngunit kahit wala na sila sa baryo, isang bagay ang hindi mawawala...

Ang delubyo at bangungot na iniwan ng APO NG MABAGSIK NA MAMBABARANG.
All Rights Reserved
Sign up to add APO NG MABAGSIK NA MAMBABARANG to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Abandoned Life by _Rannie_
6 parts Complete
-COMPLETED- Huwebes, eksaktong alas otso ng gabi. Ang natatanging sandaling magkasama ang pamilya Carmona. Madalas ay abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa, kaya hindi maipapagkakailang nakakalimutan ang isa't-isa kahit nakatira lang naman sa iisang tahanan. Sa gitna ng kasiyahan, biruan, maging kwentuhan, eksaktong pumasok ang gulo. Sinira hindi lang ang kanilang ari-arian, pati ang buhay ng iilan sa kasamahan ni Beatrize, ang pangatlo sa anak ng mag-asawang Carmona. Bakit? Bakit kailangang paslangin ang mga taong mahalaga sa kanya? Huli na para tumakas ang dalaga, dinakip siya ng isang lalaking nakakapagtatakang pamilyar sa kanya, kahit pa man may takip ang mukha. May kakaiba sa mga mata nito, tila ba minsan nang nakasalamuha. Sino siya? Sinubukan ng dalagang manlaban, para sa sariling buhay at hustisya na maaaring maibigay pa sa mga nasawing miyembro ng pamilya. Ngunit hindi inasahang mawalan ng kontrol ang sasakyang minamanyobra ng kriminal. Pasuray-suray, sumuong sa ibang direksyon, hanggang mabangga. Isang abandonadong mansyon ang kanilang nabungaran. Bagay na hindi inaasahang nakatayo pala sa naturang lugar. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang abandonadong mansyon na madalas mapanaginipan. Ano ang ang meron sa lugar? Kalaunan ay napagtanto ng dalaga na ang bawat nangyayari ay hindi nagkataon, sinadya talaga upang buksan ang isang katotohanan. May kwento siyang dapat malaman. Bagay na kung tutuusin ay dapat patay na ngayon, pinaglumaan na ng panahon. Nararapat lang kalimutan. Ngunit dahil sa matinding damdamin, kagustuhan at pangungulila, ngayon ay muling mamamayagpag. Pinapalibutan ng misteryo ng buong lugar. Misteryong siya ang hinihintay na lumutas.
You may also like
Slide 1 of 8
Susi ng Hinaharap | ✓ cover
Beautiful Angel cover
Happy Bloody Celebration (R-18) cover
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea ) cover
Abandoned Life cover
Gutom na Kaluluwa cover
FAMILIA YBAÑEZ: Familia Lujuriosa 1 cover
Karen Deryahan cover

Susi ng Hinaharap | ✓

13 parts Complete

Mabigat at masakit ang naging biglaang ikot ng buhay ni Ariba Hiraya Concepcion Realonda. Balot na balot ng takot para sa kinabukasan niya ang isa sa kanyang mga naramdaman nang maglaho ang bukod tanging taong tinitingala niya sa mundong ibabaw sa likod ng mga tala. Araw-gabing tahimik, nakayuko, at umiiyak habang nagluluksa, humiling siya na muling mabago ang takbo ng kanyang kuwento - nanalangin siyang makapagsimula muli. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, literal na bagong mundo ang napasok niya. Kakaiba ang mga kasama niya at maging ang mga gawi nila. Hindi lubos na maisip ni Hiraya kung paano siya napunta rito, paano niya pa kaya tatanggapin ang propesiyang nakatakda para sa kanya? Lahat ay may kanya-kanyang nakaraan na pilit na tinatakpan maging hanggang sa kasalukuyan. Bawat tao ay may sariling mga pintong binubuksan. Ngunit makakayanan niya bang hanapin ang susi ng hinaharap kahit gaano pa ito kahirap? A novelette by louvingly.