Hope From Love's Memories

Hope From Love's Memories

  • WpView
    Reads 44
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 10
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Fri, Jun 19, 2026
【Written in Filipino; Book 1 of "Transcendental: Until Eternity" series】 Mula nang makakitaan si Ilsie ng kakaibang kakayahan noong bata pa siya, alam na niyang hindi na magiging normal ang takbo ng buhay na kanyang nakagisnan. Nasiguro niya iyon nang mag-umpisa ang pagsulpot ng kung iba't-ibang imahe sa kanyang isipan nang marating niya ang Shiasena Temple para sa unang combat training niya bilang isang Power Caster. Isang babae at isang lalaking parehong may kakaibang kakayahan ang lagi niyang nakikita sa kanyang isipan at maging sa mga panaginip. 'Di nagtagal ay nalaman din niya ang totoo tungkol sa kuwento ng dalawang iyon, maging ang dahilan kung bakit naputol ang kuwentong nagbibigay pa rin sa kanya ng 'di maipaliwanag na sakit ng kalooban para sa Guardian na si Francis. Buong akala ni Francis Kieran Reyrieth ay nabuhay siya ng mahabang panahon na hindi itinutuon ang sarili sa ibang bagay maliban sa trabaho niya bilang isang Guardian mula sa Osmerth. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya. For 400 years, his heart kept on finding the one reason why it felt so empty. Hanggang sa makilala niya sa isang 'di inaasahang laban ang Wind Power Caster na si Ilsie. Kahit sabihin pang tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa, sigurado si Ilsie na wala na siyang dahilan para hilinging may patutunguhan pa ang kalauna'y pagtinging meron siya para kay Francis. Lalo pa't hawak niya ang dalawang sikretong nagsilbing dahilan kung bakit binura ni Elysriel noon ang alaala ng leader ng mga Guardians. Hinding-hindi siya mapapatawad ni Francis kapag nalaman nito ang totoo.
All Rights Reserved
#13
guardians
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • ANG WALANG HANGGANG PAALAM
  • INFATUATION TURNED INTO LOVE
  • THE PLATERO TRILOGY BOOK 3: ETERNITY REIGN (UNEDITED VERSION)
  • Entasia 1: Something Magical
  • LAWS OF THE HEART
  • Party of Destiny Hosted by Lolo Kupido Book 9: Enchanted (Unedited/Published)
  • BUILDING CASTLE by RICA BLANCA (To be Published by PHR)
  • A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)
  • Matamis na Trahedya

"O pagibig na makapangyarihan... pag ikaw ay nasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang..."Katagang madalas nating maririnig sa matatanda tuwing tayo’y lumulundag sa usapang pag-ibig. Bakit nga ba nasabing makapangyarihan ang pag-ibig? Siguro gaya ngayon, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko’t naisipan ko itong isulat. Ang totoo eh, ngayon lang ako magsusulat tungkol sa pag-ibig. Marahil sa kaduwagan na rin na masabihan akong baduy at malambot bilang isang lalake. Alam naman nating lahat na ang mga lalake ay hindi dapat kailanman madidikit sa mga bagay at usapin na nagpapakita ng kahinaan. Mga bagay na gaya ng bulaklak, hugis puso, kulay na pink, shitzu, at mga stuffed toys lalo na ang Hello Kitty. Allergic kami dun noh! Kung sa bagay may mga kilala din akong mga astig pero nanonood ng mga koreanovela at umiyak nung mamatay si Bruce Willis sa pelikulang Armageddon. Pero meron nga kayang taong walang emosyon? Yung tipong hindi marunong magmahal at hindi rin marunong magalit? Kung papansinin ang katotohanan marami naman talagang tumatandang dalaga’tbinata. Pero hindi rin naman siguro sa kadahilanang hindi sila marunong magmahal.

More details
WpActionLinkContent Guidelines