Paano kaya kung ang isang bagay na matagal mong hinintay at pinagplanuhan ay mauuwi sa panlulumo at panghihinayang, magagawa mo pa kayang muling subukang abutin ito? Ito ay kwento ni Jun at ang kanyang pagsusumikap na maipakilala ng lubos ang kanyang sarili sa kaibigang naging parte na ng kanyang musmos na puso. Mula sa yugto ng paghahanda, pagkabigo at pagtatagumpay ang kwentong ito ay nagbibigay sa inyo ng inspirasyong muling sumubok pagkatapos mabigo.