Ang tanging masasabi ko sa iyo aking Ina/MaMa ay MARAMING MARAMI SALAMAT sa pagbigay sa akin ng maayos at magandang BUHAY at sa Pagmamahal mo. Simula pa noong ako’y nasa loob ng tiyan mo, ramdam ko na ang iyong pagmamahal na walang hangganan at ang pag aalaga mo sa akin!. Buong puso ko tatanawin at pagkatandaan ang binigay mong Pagaalaga at Pagmamahal. Ang ating Ina ang ilaw ng tahanan at katuwang ng ating ama sa pagaalaga o pagbigay sa atin ng magandang kinabukasan, sila ang gumabay sa atin kahit nasa loob pa lang tayo ng kanilang tiyan! Sabi nga nila.. Ang ating mga magulang na babae kahit anong gawin o nasaan man tayo ang kanilang pagmamahal sa atin ay walang hanggan., Di nila kayang makita tayong nasasaktan o nalulungkot man, konting sugat o kapag tayo ay nagkakasakit sila ay natataranta o di alam ang kanilang gagawin! Di man nila pinapakita o pinaparamdam sa atin na nahihirapan o nasasaktan sila(ayaw nila makita natin na nahihirapan sila dahil ayaw nila tayo makitang nasasaktan ng dahil sa kanila kaya tinitiis na lang nila yung hirap at sakit na kanilang nararamdaman). Wag natin sila basta basta sagutin o pagsabihan ng anumang sama ng loob mo kasi kung hindi sa ating mga INA wala tayo dito sa mundong ito!. Kaya nilang ibuwis ang kanilang buhay alang alang sa kanilang mga anak!, Ganyan ang kanilang pagmamahal sa atin na mga anak nila, kaya lagi nating tandaan. Ang mga magulang kahit anu pa mang galit o sama ng loob nila sa atin, ang tanging nasa isip nila ay mabigyan tayo ng maayos at magandang kinabukasan. MAHALIN at PAGKAINGATAN natin sila ng walang pagsisisi sa ating kalooban.