Galit at puno ng hinanakit si Joy nang malaman niyang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang estrangherong lalaki. Hindi niya maunawaan ang dahilan ng kanyang pamilya at pilit siyang pinagkakanulo sa lalaking iyon. Dahilan kaya pinili niyang maglayas at hanapin ang sariling kapalaran mag-isa. Nangako siya sa kanyang sarili na kailanman ay hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi niya mahal. Na mahahanap niya ang lalaking para sa kanya sa takdang panahon. Subalit mapaglaro ang kapalaran. Dahil na rin sa tawag ng pangangailangan niya sa pera ay napilitan niyang maghanap ng trabaho at mag-apply bilang Secretary sa Santibanez Corporation. Dito niya makikilala ang kanyang Boss na si Anthon Pete Santibanez. Isang Bachelor at nag mamay-ari ng mga kilalang restaurant. Hindi naging madali ang lahat para kay Joy. Buong akala niya ay hindi niya makukuha ang posisyon iyon dahil sa naging sagutan nila ng may-ari pero dahil nakitaan siya ng potensyal ni Anthon, tinanggap siya nito bilang sekretarya. Niyakap niya ang panibagong yugto sa kanyang buhay at kasabay ng pagbabagong iyon ay ang unti unting pagtibok ng kanyang puso sa kanyang boss. Paano nalang kung makita siya ng kanyang ama? Makakaya niya pa rin bang ipaglaban ang sariling karapatan at kagustuhan kung ang lalaking tinakda para pakasalan siya ay walang iba kundi si Anthon Pete Santibanez.. Ang kanyang Boss..