
Note: Prepare your mind and heart. The only person who can read this story is someone who's ready and prepared to be hurt, emotionally and mentally. Kayzer Vera Abella is a smart and righteous young lady. She has a good heart, and she's someone who always gives in to everyone; and that personality of her is what makes people admire her. And that's what makes her easy to be taken advantage of. Maganda ang buhay, kahit hindi man ganon kayaman she's still thankful kung anong meron siya. Matalino. Magaling. Masunurin. At nakukuha niya lahat ng kailangan niya. Bilang nag-iisang anak, alam niyang nakatuon sakanya lahat ng atensyon ng kanyang mga magulang. Pero kahit na ganon, may isang bagay na hindi niya kayang makuha. Iyon ang magkaroon ng mga mapagmahal at totoong mga kaibigan- 'yan ang iniisip niya. Pero wala nga ba? O sadyang hindi niya lang sila nakikita?. Wala siyang tiwala sa kahit na sino dahil takot siyang lahat ng lumalapit sakanya ay may masamang intensyon. Mula pagtunton niya sa paaralan mas lumala ang sitwasyon niya. Kahit na matalino, hirap siyang makakilala ng tunay na mga kaibigan. Each day is like she's going through hell. Namulat siya sa mundo kung saan mula sa kanyang sariling mga kamag-anak ay halos walang tunay at maganda ang intensyon. Doon lumaki ang pagkawalang tiwala niya sa lahat. Nakaramdam siya ng bigat ng loob mula sa mga inakala niyang mga kapamilya niya. Lalaitin at pagtatawanan siya ng mga ito. Kesyo hindi ka maganda, kesyo tamad ka, kesyo medyo mataba ka na. Lumaki siyang feeling niya wala siyang kakampi. Pero andyan naman ang mga magulang niya, hindi ba? Ngunit paano kung pati mga magulang niya ay pinaparamdam na hindi sila kampi sakanya? Na tila siya ang may kasalanan? Paano kung pati sila ay may nakatagong pagkadismaya sakanya? Yan ang mga tanong na nasa isipan ng dalaga. Dahil sa mga ito, nanaisin pa kaya niyang mabuhay? Kakayanin niya kayang mabuhay? - What Lies Beyond the HorizonAll Rights Reserved