Headlines of the Heart (Sollano Series #5)
32 parts Ongoing MatureHanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangarap ko. Hindi ko alam saan ba ako magaling. May direksyon pa ba ang buhay ko?
Lumaki si Bellavie Aisling Lumielle Caelum sa poder ng kanyang lolo't lola. Sa kanilang pagmamahal at gabay, natutunan niyang tumayo sa sariling paa, magmahal nang totoo, at maging matatag, kahit galing siya sa isang broken family. Sa piling nila, natagpuan niya ang kapayapaang hindi niya naranasan sa magulang.
Pero sa kabila ng lahat, isa siyang certified No Boyfriend Since Birth. Hindi dahil wala siyang chance, kundi dahil takot siyang magmahal at masaktan. Takot siyang umalis sa comfort zone niya. Mas pinili niyang ituon ang oras sa sarili, sa pangarap, sa pamilya, at sa pagdiskubre kung saan siya magaling.
Hanggang sa naging Journalism President siya ng kanilang school at mas lalo siyang napalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Si Gelo Reigh Sollano. Hindi lang ito guwapo, napakatalino pa kundi isa ring estudyanteng laging pinupuri ng mga guro kaya pakiramdam ni Bella ang liit liit niya.
And because of him, Bella finally discovered what she truly wants, she wants to write, she wants to be a journalist... and her biggest headline is Reigh. Every time she writes headlines and articles, si Reigh ang subject.
Pero isang araw... ang lalaking laman ng bawat artikulo niya, siya rin palang susulat ng pinakamasakit na pahina sa puso niya.
At hindi lang basta puso ang iniingatan ni Bella-dala niya sa bawat pagsusulat ang laban na hindi matapos-tapos: ang paghahanap ng hustisya para sa mga taong patuloy na binabaliwala ng gobyerno. Now, she writes headlines not just with ink, but with heart-for those who have suffered and continue to suffer.
For Bella, being a journalist isn't just about words. It's about truth. It's about love. It's about justice.