33 parts Complete Lumaki sina Jo's at Josh na magkasama-magkababata, magkaibigan, at sandalan sa lahat ng hirap at saya ng buhay. Ngunit dumating ang panahon na kailangan nilang harapin ang kani-kaniyang landas.
Si Jo's, napilitang mag-aral sa Amerika upang suportahan at matutunan ang negosyo ng kanilang pamilya. Samantalang si Josh, nakatanggap ng malaking pagkakataon mula sa kanyang kaibigan na si Hans-isang rekomendasyon para maging K-pop trainee. Ngunit higit pa roon, binigyan din siya ng tsansa na sundan ang tunay niyang pangarap: maging isang eksperto sa pabango.
Habang magkalayo sila, unti-unting sinusubok ng kapalaran ang kanilang pagkakaibigan. Mapapanatili ba nila ang tibay ng samahan sa kabila ng agwat at bagong mundo na kanilang pinapasok? O baka naman ang distansya ang magdidikta ng bagong simula para sa kanilang dalawa?
Isang kwento ng pangarap, sakripisyo, at pagmamahalan na hahanapin ang tamang oras at tamang lugar.