Story cover for REBOUND by Coffeeflt
REBOUND
  • WpView
    Reads 16
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
  • WpHistory
    Time <5 mins
  • WpView
    Reads 16
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
  • WpHistory
    Time <5 mins
Ongoing, First published Mar 20, 2025
Sa laro ng pag-ibig mayroong nanalo at mayroon din namang natatalo. Kahit ilang beses mo pa bigyan ng tyansang magbago, kung hindi talaga ikaw ang tinitibok ng puso nito ay hinding-hindi ka mananalo. 

Para kay Cyrus, ang heartbreak ay hindi lamang pasakit ang dulot, nakatatapak rin ito ng ego. Nang maghiwalay sila ng kanyang ex, tila nawalan na rin nang gana si cyrus na amgseryoso pagdating sa pag-ibig. Pabago-bago ang kausap nito sa bawat linggo hanggang sa mahanap niya ang kanyang katapat na isa ring takot magmahal dahil paulit-ulit sinaktan, ito si  Alexa. 

Paano kung ang dalawang nasaktan ay magtatagpo?
Maaari kayang sa kahapon ay muling matututo?
O mananatili nalang ang takot sa puso,
at ipagsasawalang bahala ito?

Gagaling kaya ang mga sugat sa puso?
Kapag yakap ng pag-asa ang naging gamot nito?
O baka naman ito'y maghilom nang bahagya,
Ngunit sa kaunting sagi ay muling magdurusa?

Mayroon kayang mananalo o di naman ay matatalo?
Kung ang laban ay  laban ng damdaming totoo?
O baka walang panalo, walang talo,
Kapwa lang sugatan sa dulo ng pagsamo.

Paano kung parehas silang mahulog sa isang laro?
Isang laro ng pusong di sigurado?
Sino ang magtataya? Sino ang aatras?
Kapag ang pagmamahal ay muling nagwakas.
All Rights Reserved
Sign up to add REBOUND to your library and receive updates
or
#8lovebomb
Content Guidelines
You may also like
Loving you is Unfair  by shining_teddy
15 parts Ongoing
Dumating ang araw na nagpapasaya at nagpapakaba sa isang estudyante. Sa araw na iyon, dumating ang isang lalaking nagpatibok ng puso ni Joy. Lumipas ang ilang araw, umamin si Marc na may gusto siya kay Joy. Sa kabilang banda, umamin din si Joy na may gusto rin siya kay Marc. Ngunit hindi pa handa si Joy na magkaroon ng kasintahan. Nilinaw naman ni Marc kay Joy na handa siyang maghintay, kahit abutin pa ng ilang taon, makuha lamang ang matamis na "oo" ni Joy. At sa paglipas ng ilang araw na pagiging MU (mutual understanding) nila, binigyan ni Marc ng promise ring si Joy bilang palatandaan na handa siyang maghintay. Nagtagal naman ng halos isang buwan ang kanilang pagiging MU. Ngunit sa paglipas ng mga araw, napansin ni Joy ang mga hindi kaaya-ayang kilos ni Marc. Hindi lang pala siya ang nakakapansin nito, dahil maging ang mga kaibigan niya ay nakakahalata na rin. Kaya napagdesisyunan ng magkakaibigan na subukan si Marc, para malaman kung may pag-asa bang tumagal ang namamagitan kina Joy at Marc. Ngunit sa hindi inaasahang rebelasyon, hindi maganda ang kinalabasan ng pagsubok nila kay Marc. Sa madaling salita, bumagsak si Marc sa pagsubok na ibinigay ni Joy at ng kanyang mga kaibigan. Paano kung ang pagkakakilala ni Joy at ni Marc ay magiging dahilan ng pagkasawi ni Joy? Paano kung dumating ang araw na masaktan at mawasak si Joy dahil kay Marc, ano kaya ang susunod na gagawin ng kanyang mga kaibigan? Paano makakabangon si Joy sa bangungot na binigay ni Marc? Paano niya gagamutin ang nagdurugo niyang puso? Abangan natin ang rebelasyong ito at kung paano bumagsak si Marc sa pagsubok na ibinigay sa kanya. Tunghayan natin kung paano nasaktan si Joy at kung paano napuno ng galit ang puso ng kanyang mga kaibigan. Sama-sama nating basahin ang istoryang ito na magpapadurog din sa ating damdamin.
BLOODY AFFECTION (COMPLETED) by missdexterity
37 parts Complete
[R-18 ay kung saan saan, kayo ay mag iingat lamang] Maxine Kataleya De Vera o kilala bilang Maya ay isang ordinaryong dalaga na merong miserableng pamilya. Hindi sya nakapagtapos ng pag aaral sapagkat mas inuna nya ang kahirapan ng kanyang pamilya. Kinuha sya ng kanyang Tita Amalia upang tumira sa kanya at magkaroon ng maganda at masaganang buhay. Nang tumira sya doon ay nakilala nya ang lalaki na may kakaibang lakas ng loob para kunin ang kanyang puso. Cassius Azreall Velasco, isang bampira na isang dalaga lamang ang nais. Pangil, pulang mata, maputing balat, isa sa mga katangian ng lalaking nagnanais kay Maya. Makukuha nya nga ba ang magandang dalaga? O papaasahin sya nito hanggang sila ay tumanda? Hindi natin sigurado kung anong mangyayari, kung sabay nga ba silang tatanda. Iniimbitahan kayo nina Maya at Cassius na basahin at subabayan ang kanilang istorya na puno ng kalaswaan, lambingan, away, pagmamahalan at tampuhan. ~~~ Hindi ko po iniba ang plot ng story, ang description lang po kasi ang pangit naman sigurong tingnan kapag english yung description tapos tagalog yung story ano? HAHAHAHA. Nakapagdesisyon na kasi akong e full tagalog na talaga at tyaka sorry pa iba iba talaga utak ko hindi kasi ako sure sa buhay ko HAHAHA. Maraming eksena ang hindi maaaring basahin ng isang bata sa istoryang Ito. Maraming kalaswaan na hindi dapat pinapakita sa bata. Kung maaari ay huwag na lamang ituloy kung hindi mo nais na maging berde ang iyong utak. Salamat sa iyong pagbabasa binibini/ginoo ako ay nasiyahan sapagkat narito ka sa aking ginawang istorya. Naway patuloy mong suportahan ang isang tagasulat na ito.
Wanted: Perfect Nanny for the Heir's Babies by DelceraM
54 parts Complete
Hindi makapaniwalang pinasadahan ng tingin ni Aeon Grae de Dios ang bagong yaya ng kanyang mga anak mula ulo hanggang paa. By just looking at her, he could easily assume that the woman who was sitting on his visitor's chair was totally different from his twin's former nannies. Pansin niya iyon base pa lang sa walang kaayos-ayos na mukha nito at sa kasuotan nitong minana pa yata nito sa lola sa tuhod nito. Out of style na kasi ang maluwang at bulaklaking long sleeves na suot nito. Idagdag pa ang palda ng babae na aabot sa sakong nito. Nagmukha rin itong mas matanda sa edad na nakasulat sa resume nito dahil may suot itong makapal na salamin. Ni wala itong kolorete sa mukha. Yung totoo, sinadya ba ng pinsan niyang si Zephyrine na magrekomenda ng yayang tila walang dating, mukhang nerd at conservative para makonsensiya siyang patulan ito at ikama? Ang pinsan niyang iyon talaga. Kapag nagkita sila, kukutusan niya talaga ito. On the second thought, mukhang okay lang naman siguro para naman hindi siya ma-tempt na ikama ang babae. He's getting bored of that kind of life anyway. "One more question before I hire you." "A-ano po 'yon, Sir? He noticed that she became uneasy. It seemed like she was feeling antsy under his stare that's why she wasn't looking at him. Aeon cleared his throat. Pinilit din niyang hulihin ang tingin ng babae bago muling magsalita. Mataman niya itong tinitigan sabay sabing, "Before I hire you I want to know if you're still a virgin or not." Napansin niya ang bahagyang pamumula ng pisngi ng babae. Alam niyang hindi na nito kailangang sagutin iyon dahil alam na niya ang sagot.
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) by Vilethornea
43 parts Complete
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
You may also like
Slide 1 of 9
Loving you is Unfair  cover
BLOODY AFFECTION (COMPLETED) cover
Mga Ngiting Nabaon sa Lumbay cover
Sunflower Dreams [COMPLETED] cover
When The Rain Called Your Name  cover
Chasing what you lost, Love take 2 (WHEN WE WERE JUNIORS SERIES #2) cover
Wanted: Perfect Nanny for the Heir's Babies cover
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO-(COMPLETE) cover
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover

Loving you is Unfair