Hindi lahat ng kumikinang ay ginto... at hindi lahat ng nasa anino ay mahina."
Sa loob ng Altamira Academy, batas ang apelyido at yaman. Ang mga mahihina? Hindi sila nabubuhay rito. Pero isang anomalya ang pumasok sa kanilang mundo-isang pangalan na hindi dapat umiral sa listahan ng mga estudyante.
Marie Claire "Mira" Santiago. Isang sponsored scholar. Tahimik pero matalas. May misyon siyang hindi pwedeng mabigo-alamin ang lihim sa likod ng isang trahedyang itinago ng mga may kapangyarihan.
Ngunit hindi niya inaasahan ang isang kalaban na hindi basta maaapakan.
Axel Blackwell. Ang hari ng Altamira. Ang lider ng Black Brotherhood na hindi nagpapapasok ng dayuhan sa kanilang mundo. Sa bawat galaw ni Mira, may mata siyang nagmamasid, naghihintay, sumusubok.
Isang labanan ng talino, bilis, at paninindigan ang magaganap. Sa mundong ginagalawan nila, hindi mahalaga kung sino ang tama-ang mahalaga lang ay kung sino ang matitira sa dulo.
Sa eskwelahang puno ng gintong korona at lihim na mga anino... sino ang tunay na mananalo?
Todos os Direitos Reservados