Story Title: Trapped in an Island
Ang Anim na matatalik na magkaibigan- palagi silang magkakasama sa saya, lungkot, at hirap ng buhay estudyante. Sa wakas, malapit na ang bakasyon. Sa pagnanais na makalimot sa stress ng eskwela at magrelax kahit minsan, napagdesisyunan nilang magbakasyon sa isang liblib ngunit magandang isla na madalas nilang marinig sa mga kwento-isang lugar na tila paraiso.
Ngunit sa likod ng ganda nito, may tinatagong bangungot ang isla.
Sa simula, puno ng tawanan, kantahan, at masasayang alaala ang kanilang bakasyon. Pero unti-unting nagbabago ang lahat. At nagsisimula silang makarinig ng mga misteryosong tunog sa gabi-mga yabag, bulong, at mga aninong hindi nila maipaliwanag.
Ang akala nilang escape ay naging kumpetisyon para sa buhay. Isa-isang nawawala ang gamit nila, may kakaibang nangyayari sa paligid, at tila may isang nilalang na hindi gusto ang presensya nila sa isla.
Ngayong wala silang koneksyon sa labas at may bumabagabag sa kanila sa loob ng gubat, paano sila makakaalis? Mapapanatili pa ba nila ang pagkakaibigan sa gitna ng takot, gutom, at trahedya?
Handa ka na bang tumapak sa islang hindi mo na basta-basta malalabasan?
_beverasydy
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang