"Sino ang nagising ng araw na iyon?"
Lumaki si Evangelo Ravenscroft na galit sa mundo, galit sa sarili. Hindi siya kailanman tinuring na anak ng kanyang ama, palaging sinasaktan ng kanyang mga kapatid, at araw-araw na binubugbog ng mga bully sa eskwela.
Wala siyang kawala, hanggang sa maaksidente siya at nacoma ng dalawang taon.
Pero nang magising siya, hindi na siya tulad ng dati.
Nagsimula ang lahat sa mga bulong, hanggang sa unti-unti itong lumakas. Ang iba ay nais siyang protektahan, ang iba ay nais siyang sirain.
Ang isa sa kanila ay hindi nagpapatawad, at siguraduhing magdudusa silang lahat.
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app.
Season One of Ang Mutya Ng Section E
***
Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya?
Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?