Isang kuwentong magbibigay ng halaga sa tunay na pagiging makatao. Ang makataong may prinisipyo at hindi kailanma'y mabibigong ipaglaban ang nararapat; hindi para sa sarili, kundi para sa lahat.
Ang pagbangon ni 𝑱𝒐𝒂𝒒𝒖𝒊𝒏 sa madugong dahas ng kaniyang karanasan mula sa pagmulat nang kaniyang mga mata kung ano nga ba ang tunay na kalaban. Hindi ang mananakop, kundi 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙠𝙞𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙜𝙖𝙝𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙤𝙨𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙖 𝙥𝙞𝙡𝙞𝙩 𝙩𝙞𝙣𝙖𝙩𝙖𝙥𝙖𝙠𝙖𝙣. . . 𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒕𝒂𝒓𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏, 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒔𝒂 𝑳𝒂𝒚𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝒂𝒕. . . 𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒑𝒂𝒚𝒂𝒂𝒏.
Isang 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗱𝗿𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴-𝗽𝗶𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 na tumatama sa iba't ibang suliranin ng nakaraan, na hanggang ngayon ay problema pa rin ng kasalukuyan. Isang libro na nagpapakita sa iyo ng mga pagdurusa ng realidad. Kuwentong nakahanay sa kasaysayan ng 𝙄𝙠𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙜𝙢𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙙𝙖𝙞𝙜𝙙𝙞𝙜 𝙨𝙖 𝙀𝙨𝙥𝙖𝙣̃𝙮𝙖 na magpapakita sa iyo ng hidwaan ng bawat lipunan.
𝗖𝗼𝗿𝗿𝘂𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻. . .
𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻. . .
𝗜𝗻𝗷𝘂𝘀𝘁𝗶𝗰𝗲. . .
"𝑴𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒕𝒂𝒚 𝒂𝒌𝒐, 𝒐. . . 𝑨𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒚."
🥀
[ Under Revision ]
[ Revised in October (2025) ]
Diyos, diyosa, at mga diwata.
Yan ang mga hindi kapani-paniwalang nilalang na namumuhay sa ating imahinasyon. Ang mga nilalang na namumuhay sa kwento-kwento na nagsilbing gabay at proteksyon natin simula pa noong dumating ang mga Espanyol sa ating bansa ngunit, ang lahat ng kwento-kwento at sabi-sabi ay may pinagmulan. Hindi mabubuo ang isang kwento kapag walang pinanggalingang isang pangyayaring puno ng katotohanan kahit mahirap itong paniwalaan.
Paano na lamang kung isang araw ay matagpuan mo ang kanilang mundo? Paano na lamang kung malaman mo na isa ka pala sa kanila? Paano na lamang kung ang iyong pagkawala sa kanilang mundo ay may dahilan at may kaakibat na isang misyon upang iligtas ang mundo?
Mababago mo kaya ang kasaysayan? Ang kasaysayang matagal nang ibinaon dahil akala natin ay namumuhay lamang sa imahinasyon?
-
Highest rank reached: #3 in Historical Fiction
JHP Writer Winner