Story cover for La Puerta del Tiempo  by inkedbyeva
La Puerta del Tiempo
  • WpView
    Reads 1,573
  • WpVote
    Votes 708
  • WpPart
    Parts 6
  • WpView
    Reads 1,573
  • WpVote
    Votes 708
  • WpPart
    Parts 6
Ongoing, First published Apr 02
Mature
Paano kung bigyan ka ng tadhana ng isa pang pagkakataon?

Isang pagkakataong balikan ang nakaraan-hindi para takasan ito, kundi upang baguhin ang takbo ng tadhana.

Isang babaeng nabuhay noong 1879 na nakatuklas ng isang mahiwagang pinto sa loob ng mansyon na magdadala sa kaniya sa kasalukuyan.

Habang siya'y nabubuhay sa bagong panahon, natuklasan niyang hindi siya basta-basta makakabalik. May isang misyon siyang dapat tuparin-hanapin ang isang taong may mahalagang papel sa kanyang pagbabalik.

Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unti siyang nahuhulog sa bagong mundo-lalo na sa bagong may-ari ng mansyon na minsang naging kanyang tahanan.

Pipiliin ba niyang bumalik sa panahon kung saan siya nabibilang o mananatili sa isang pag-ibig na hindi kailanman itinadhana?

Maaari bang baguhin ang tadhana kung puso ang nakataya?

Sinimulan: 04/02/2025
Tinapos:
All Rights Reserved
Sign up to add La Puerta del Tiempo to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
60 parts Complete
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
Close your eyes, Hermosa ✔ by Miss_lesaghurl
34 parts Complete Mature
[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ] "Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag-ibig sa panaginip na binuo ng iyong isip, pipiliin mo pa rin bang magising?" *** Isinilang sa isang marangyang angkan, puspos ng katalinuhan, kayamanan at kagandahan. Isang malaking sumpa pa rin kung ituring ni Camilla ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Sa murang edad ay maaga siyang namulat sa mundo ng pag-aasawa, matapos siyang matali sa isang kasunduan na hindi niya ginusto kailanman. Nang dahil dito, naging madilim ang bawat araw na nagdaan sa kanilang pagsasama. Walang gabi ang lumipas kung saan hindi niya tinitingala ang kalangitan, humihiling at umaasa ng pagbabago sa mapait na buhay na kanyang taglay----at dumating nga ang araw na iyon. Dumating ang isang madilim na tagpo. Isang trahedya ang naganap na bunga ng kataksilan. Mula sa isang mahabang pagkakahimbing, tila isang panaginip ang dumating na siyang magbabago ng lahat. Mula sa isang madugong aksidente, magigising si Camilla at matatagpuan ang sarili sa isang kakaibang mundo. Sa ibang oras. Sa ibang lugar. At sa ibang pagkakataon. At higit sa lahat, sa isang lugar na tila walang lagusan upang makaalpas. Sa maikling panahong pananatili niya roon ay magsisimula na siyang mangulila at hanapin ang daan pabalik sa tunay niyang pinagmulan. Ngunit makikilala niya ang isang misteryosong estranghero na si Emilio---ang magpapabago nang tuluyan sa tibok ng kanyang puso. Gugustuhin niya pa rin bang mahanap ang daan? Kung siya ay bihag na ng pag-ibig? At sa kabila ng mga nakatagong lihim na kanyang matutuklasan... Handa pa rin ba siyang matawag na "Hermosa" sa huling pagkakataon? Date written : April 7, 2022 Ended : March 15, 2023 Language : Tagalog Book cover : Chrys_tala✨
You may also like
Slide 1 of 10
We meet again, Binibini. cover
Undefined cover
Sa Harap ng Pulang Bandila cover
Eternal Love [COMPLETED] cover
ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing) cover
My Handsome Katipunero cover
This Kind Of Love (COMPLETED) cover
Close your eyes, Hermosa ✔ cover
Camino de Regreso (Way back 1895) cover
REBIRTH of the VILLAINESS🌟 cover

We meet again, Binibini.

56 parts Complete

Naniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero paano kung ang imposible at maging posible? Sa tulong ng kaibigan niyang si justine. Matutupad ang nais niya sa pamamagitan ng mahiwagang kuwintas. Ang kuwintas na may tinatagong hiwaga. Na siyang magdadala sa kanila sa nakaraan niyang buhay. Sa pagdating niya sa nakaraan. Makikilala niya ang lalaking bumihag sa puso niya noon at bibihag muli sa puso niya ngayon. Ngunit ang inakala niyang adventure. Mapapalitan ng trahedya at misyon. Misyong kailangan niyang tapusin bago pa dumating ang panahon na siya ang matatapos. Kakayanin niya kayang tapusin ang inumpisahan niya? Makakaya niya kayang labanan ang tadhanang magbabago sa mundo niya? Makababalik pa Kaya siya sa kaniyang panahon? Magbabalik kaya siyang luhaan at nagkamali ng akala? Date started: December 16,2019. Date finished: July 18,2021.