CES#1: CHASING AWAY
"Sabi nila, time heals all wounds. Gago, sinungaling sila."
Bakit? Kasi bumalik lang naman sa buhay ko si Junnel Munceller. Ang ex kong certified bad boy, ubod ng yaman, at mas lalong naging smoking hot! Ako naman si Joanna Dela Cruz, ang ex-girlfriend na sinusubukan lang naman magkapera.
Pero heto ang catch. Naging boss ko ang tatay niya. At si Junnel? Ayun, ginagawang full time job ang pag-isipan ng paraan para mapatalsik ako. Kulang na lang mag-rally siya sa harap ng opisina ko!
Galit na galit ba talaga siya sa akin, o gumagawa lang siya ng eksena kasi hanggang ngayon... baliw pa rin siya sa akin?