ARTIKULONG MAY KASAMANG KADIWARAAN #Wattys2018
34 parts Complete Maligayang Bati. Ito ay ang ika-anim kong libro. Ihahayag ko dito ang aking mga opinyon tungkol sa iba't ibang pangyayari sa iba't ibang sulok ng Mundo. Hayaan niyo sana ako na buksan ang inyong mga isipan sa aking mga komento. Masasalamin sa aking mga komento ang iba't ibang kalagayan sa Mundo. Ikaw kaibigan, malaya ka ring magpahayag ng komento basta ito ay nasa tamang paraan.
Unahin natin ang isa sa mga bagay na nais kong bigyan ng komento, ang global warming. Ang global warming ay maiiwasan pa natin basta tulong-tulong tayo. Mainam na magtanim tayo ng maraming puno para may natural na lilim na magpoprotekta sa atin laban sa sobrang init ng araw. Masaya ring maglaro sa ilalim ng puno, naaalala mo pa ba ang iyong kabataan? Kaya ingatan natin ang mga puno.
Mag resiklo ng mga bagay na pwede pang gamiting muli gaya ng plastic bottle at mari pang iba. Makakatulong ang paglahok mo sa iba't ibang gawaing pangkalikasan upang madagdagan ang iyong mga kaalaman.
Kaya kaibigan, ikaw, ako, tayo, sama-sama para ingatan ang kalikasan na regalo ng Panginoong Diyos sa atin.
Maraming Salamat. God Bless.