Story cover for TREZ ORDONEZ: THE UNMARRIED WIDOW by redinkph
TREZ ORDONEZ: THE UNMARRIED WIDOW
  • WpView
    Reads 29
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 5
  • WpView
    Reads 29
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 5
Ongoing, First published Apr 07
Mature
Uno, dos, trez...
Ganito ang araw-araw na schedule ni Cleopatrez sa barrio kung saan siya payapang naninirahan kasama ang nag-iisa niyang anak at kapatid. Abala siya sa bawat araw dahil siya lang ang kumakayod para sa ikabubuhay nilang tatlo. Pero kontento naman siya.

Hanggang isang hapon, habang namimitas sila ng kapatid niya ng mangga sa likod ng kubo, natanaw niya ang pagkalaglag ng bituin sa himpapawid. Mapamahiin siyang babae kaya agad siyang pumikit para umusal ng hiling na sana may biyayang malalaglag sa tahanan nila.

Ang kaso, pagdilat niya, hindi grasya ang nahulog mula sa langit at sinalo ng kaniyang palda, kundi isang lalaki. Nalito siya. Biyaya ang hiningi niya hindi sakit ng ulo. Ano ang gagawin niya sa lalaki?
All Rights Reserved
Sign up to add TREZ ORDONEZ: THE UNMARRIED WIDOW to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
His One And Tenth Bride (on-going) by Rich_able
23 parts Ongoing
Si Cleo Mitchell ay isang simpleng babae at namumuhay rin ng simple. Pangarap niya na makapag-aral sa Red Bridge University-isang tanyag na paaralan na labis niyang hinahangaan. Ngunit nag-iba ang takbo ng kaniyang buhay nang mamatay ang kaniyang Ina. Naiwan siya sa kaniyang matapobreng tiyahin at pinsan. Sa kabila ng paghihirap, inilaban ni Cleo ang kaniyang pangarap. Si Bash Davis ay nag-iisang anak ng university owner at campus director-walang kawala sa tinatawag niyang sumpa. Kilala bilang istrikto, mainitin ang ulo, at sarkastiko, ngunit sa kabila ng kaniyang mga katangian ay marami pa rin ang humahanga sa kaniyang taglay na kagwapuhan. Mga babaeng handang mamatay at pumatay para sa kaniya. Hindi planado, hindi pinag-usapan, at walang kasunduan-magtatagpo ang kanilang landas ng hindi inaasahan. Ang dating maaliwalas na paghanga at pagtingin ni Cleo sa paaralan ay napalitan ng karimlan, lalo nang kaniyang maranasan ang kalupitan na hindi niya kailanman inaasahan. Isang tradisyon ang pupukaw sa atensyon ng lahat. Libo ang nais mapabilang, sampu ang mapipili, ngunit isa lang ang maaaring magwagi. Pakiramdam ni Cleo ay pinaglalaruan siya ng kapalaran, nang matuklasan na isa siya sa mga kandidata na magkokompetensya, hindi para sa korona kundi para sa singsing. Hindi niya gusto ang ideya ngunit buhay ang magiging kapalit. Para niyang sumalang sa isang laro na kailanman ay hindi niya ninais na mapabilang. Ngunit sa paglipas ng mga oras, unti-unting mabubunyag ang sekreto ng nakalipas. Hahayaan ba nilang manipulahin sila nito? Magpapanggap na lang ba hanggang dulo, o hahayaang sakupin sila ng pag-ibig na hindi nakaplano? 05-17-24 🍀
SECOND CHANCE AT LOVE by JasmineEsperanzaPHR
21 parts Complete
"Huwag ka nang magtrabaho, Mommy," ungot nito kanina habang nagbibihis siya. "Hindi puwede, anak. Nakakahiya na kay Tito Ariel mo. Siya pa naman ang nagpasok sa akin." "Dati naman, hindi ka nagtatrabaho," ungol pa ni Mickey. "Malaki ka na at hindi na alagain. Kaya puwede na akong magtrabaho. 'Di ba may mga friends ka na nga na ayaw mong ipakilala sa akin?" kunwa ay sumbat niya rito. Alam niya, nagkakaroon na ng crush si Mickey. At kung hindi pa siya ang nag-ayos ng closet nito ay hindi niya madidiskubre ang pinakatagu-tagong picture ng isang babaeng kaedad nito. The girl was cute. Pamilyar sa kanya. Nakakamatay ang irap na ipinukol sa kanya ni Mickey nang tingnan niya ito mula sa repleksyon ng salamin. "Mommy, ha?" Nanggagalaiti ito. "Why deny her, darling? Wala namang problema sa mommy," madiplomasya niyang tugon. "See, you're growing up. One day, sasabihin mo na lang sa akin, you're getting married. Maiiwan na si Mommy. At least man lang may trabaho ako para hindi naman ako masyadong malungkot, 'di ba?" "You mean, you don't intend to get married again?" Nagban¬gon-sigla si Mickey. Natigilan siya. Matagal na nilang hindi napag-uusapan ng anak ang tungkol sa "pag-aasawa" niya. At matagal na ring hindi iyon sumasagi sa isipan niya. Kung hindi pa iyon nabanggit muli ni Mickey ay lubusan na nga niyang nakalimutan ang tungkol doon. "Mickey, hindi natin alam. 'Di ba, there are things that come unexpectedly?" "Basta. Sa akin, walang kapalit si Daddy." "And who told you na papalitan ko ang daddy mo? No one could replace him, Mickey. Pero, 'di ba, we could give love naman to everybody?" "Basta!" Mas may diin ang tono nito. "I don't want you to get married again."
You may also like
Slide 1 of 9
My Husband is a Ruthless Darling [UNDER REVISION] cover
Her Retreat (Unpredictable Series 3) cover
His One And Tenth Bride (on-going) cover
SECOND CHANCE AT LOVE cover
SANA NGAYON (Boyxboy) (Taglish Story) cover
ENDRELTON SERIES 1: The Three Billionaires And Star COMPLETED   cover
Rain Upon Rayne (PUBLISHED UNDER PHR) cover
The Good Girl Turned Into A Cold And Heartless Mafia Queen [ Under Editing ] cover
#1 I'm Accidentally Pregnant With My Crush (Completed√)  Ashley Series1 cover

My Husband is a Ruthless Darling [UNDER REVISION]

52 parts Complete Mature

Si Clay Verdera, ang tinitiliang aktor ng bayan-gwapo, sikat, at hinahangaan. Samantalang si Isla Aurora Randal, isang simpleng babae na walang kamalay-malay na ang buhay niya'y magbabago dahil sa isang kasunduang hindi niya pinili. Sa kabila ng makabagong mundo, lumang tradisyon ang nagbuklod sa kanilang dalawa-isang lihim na kasal na kailangang manatiling tago upang protektahan ang karera ni Clay. Sa kamera, siya ang perpektong leading man. Ngunit sa likod ng mga ngiti, siya ang lalaking nagpapadama kay Isla ng lamig at lumbay. Si Isla-umiibig, umaasa, at handang magtiis. Ngunit hanggang kailan siya magiging anino ng sariling pag-ibig? Kailan mapapansin ni Clay ang pusong matagal nang sumisigaw para sa kanya? Sa paglalaban ng pagmamahal at sariling halaga, sino ang mananalo? At kung may mawawasak, puso ba ni Isla o ang mundong ginagalawan ni Clay? Book Cover design by: Miyo