
Isang lumang kuwaderno. Isang mahigpit na babala. At isang numerong kailanma'y hindi mo gugustuhing mabasa. Nagsimula ang lahat sa simpleng kuryosidad ng batang si Karlos-isang pagsilip sa kahong mahigpit na ipinagbawal ng kanyang lola. Ngunit sa pagbuklat niya ng isang madugong kuwaderno, unti-unting nabuksan ang pinto sa isang lihim na matagal nang nakabaon sa katahimikan. Mula sa pag-ibig, trahedya, at pagkamatay, lumalalim ang hiwagang bumabalot sa bawat pahina-hanggang sa iisa na lamang ang natira. Isang numero. Dalawampu't isa. Pagdating niya sa edad na iyon, nagsimulang gumulo ang lahat. Isang maputlang babae ang paulit-ulit na sumusunod sa kaniya-hindi nag-iiba ang ekspresyon, ngunit tila may gustong sabihin. Ngunit sino siya? At bakit si Karlos? Habang patuloy ang paninindig ng balahibo at ang kabang hindi maipaliwanag, magbabalik ang tanong na pinagmulan ng lahat: Ano ang kahulugan ng "31"? Handa ka na bang tuklasin ang kasagutan? O mananatili ka na lang sa dilim?All Rights Reserved
1 part