Ang dalagang si Akira ay limang taon nang tahimik na umiibig sa binatang si Zeus lux Gardalox.
Sa bawat araw na magkasama sila bilang magkaibigan, pinipili niyang itago ang damdamin sa likod ng mga ngiti.
Ngunit dumating ang araw ng kanilang pagtatapos, naglakas-loob si Akira.
"Matagal na akong may gusto sa'yo zeus ," mahinang wika niya, nanginginig ang tinig.
Ngunit ang sagot ni Zeus ay parang kulog na gumising sa kanyang bangungot.
"akira... kaibigan lang ang tingin ko sa'yo at may babae akong gusto" diretsehan niyang sabi gamit ang malamig niyang salita.
Sa isang iglap, gumuho ang mundong binuo niya sa katahimikan.
Akala niya'y hanggang doon na lang ang lahat-ang sakit, ang hiya, at ang pag-ibig na walang tinutunguhang pag-asa.
Pero makalipas ang anim na taon, muling bumalik si Zeus sa buhay niya-hindi bilang kaibigan, o alaala ng nakaraan...
kundi bilang lalaking kailangan niyang pakasalan.
Sa mata ni Zeus, isa lang si Akira sa dahilan kung bakit siya napilitang itali ang sarili sa isang kasalang hindi niya ginusto.
Hindi niya alam na si Akira man ay bihag rin ng sitwasyon-na ang kasunduan ay hindi rin galing sa puso ng dalaga.
Sa bawat araw ng kanilang pagsasama, galit ang nangingibabaw kay Zeus.
At sa bawat araw ding 'yon, pilit nilulunok ni Akira ang sakit-dahil minsan, ang pagmamahal, kahit gaano katagal pinaglaban, ay hindi sapat para mahalin ka rin pabalik.
---
All Rights Reserved