Nagising si Azaleah Evangeline Navarro sa isang mundong malayo sa nakasanayan-isang bayang banyaga, sa panahong tila nakalimutan na ng kasalukuyan. Sa katawan ng isang dalagang hindi niya kilala, may bagong pangalan, bagong pamilya, at bagong buhay siyang kailangang gampanan. Habang pilit niyang ginagaya ang mundong iyon, lihim niyang hinahanap ang daang pabalik sa sarili niyang panahon.
Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalo siyang nalulubog sa mga hiwagang bumabalot sa kanyang pagkatao. Ang mga tao sa paligid niya'y may mga kwento at lihim na hindi agad mababasa sa kasaysayan. At habang sinusubukan niyang umiwas, unti-unti siyang kinakaladkad ng kapalaran pabalik-sa mga kasunduang hindi niya pinasok, sa mga ugnayang hindi niya inasahan, at sa isang lalaking maaaring maging sagot o panibagong tanikala.
Kung ang tadhana ay nagkamali, paano niya ito itatama? At kung ang nakaraan ay hindi aksidente, may paraan pa ba siyang makatakas?
My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)
20 parts Complete
20 parts
Complete
Hindi siguro maniniwala ang kahit na sino kung sasabihin ni Alejandro Raldeuff na nagmula siya sa kasalukuyan at napunta sa nakaraan. Isang gwapo, walang modo, spoiled brat at playboy na lalaking pinarusahan ng tadhana ng dahil sa kaniyang pang-aabuso sa buhay.
Isang araw, nagising na lamang siyang suot ang kasuotan ng mga makalumang tao at naging isang ganap na ordinaryong mamamayan sa taong 1896. Mula sa pagiging anak ng bilyonaryo, magiging anak na lamang siya ng isang maralita at magsasaka.
Maraming misyon ang kaniyang kahaharapin kasabay ng iba't-ibang taong papasok sa kaniyang buhay katulad na lamang ng nag-iisang anak ng Gobernador-Heneral-si Virginia Del Fuego.
Isang dalagang may busilak na pusong nagbago sa kaniyang pagkatao. Simula sa simpleng pagtingin hanggang sa magiging masalimuot na pagmamahalam, magagawa kaya nilang ipaglaban ang kanilang relasyon gayong ang lahat ng kwento ay may hangganan?
"My sinisinta," aniya Alejandro habang haplos-haplos ang kaniyang pisngi. Sa likod ng tadhanang hindi umaayon sa kay Alejandro, hanggang saan sila hahamakin ng tadhana sa kanilang pag-iibigan?