Hidden Feelings (UNDER REVISION)
33 parts Complete Sandrina Von De guzman. Matunog ang pangalan niyadahil sa inaangkin niyang kagandahan. Tila kasi isa siyang Dyosa. Ayaw pa maniwala ng iba na siya'y totoong nabubuhay sa mundo dahil bibihira ang babaeng may inaangkin niyang kagandahan. Bukod pa doon ay sobrang bait din niya. Siya iyong sinasabi ng iba na hindi makabasag pinggan dahil sa lambot ng boses niya na tila ba'y mapapahiga ka na lang sa libo-libong ulap dahil sa lambot non. Isa rin siyang asensadong tao, isa kasi siyang may-ari ng isang sikat na kompanya na kinikilala ring isa sa pinakaasensadong negosyo sa bansa. Napakaperpekto kung iisipin.
Pero ika nga nila, "nobody's perfect". May mga bagay talagang hahadlang sa kung gaano ka man kaperpekto sa paningin ng iba.
Hindi ka man gumagawa ng kasalanan at kamalian.
Ngunit tinatraydor ka naman ng sarili mong nararamdaman.
At bakit kaya ganoon? Sa pitong bilyong tao na nakapaligid sakaniya, bakit sa isang... pinakamalapit na kaibigan pa?