Nagsimula kayo bilang magkababata. Hindi mo sinasadiyang mahulog sa kanya. Minsan akala mo ang lapit niya sayo. Pero ang totoo kahit anong pilit mo di mo pa din siya maabot. Anong gagawin mo kung ang payatot at iyaking kaibigan mo noon ay maging isang vocalist ng isang sikat na banda ngayon? Marami siyang taga-hanga. Maganda, sexy, sikat, mayaman. Lahat sila nahuhumaling sa kanya di lang dahil sa charms niya. Handa ka bang kalabanin ang buong mundo, mahalin ka lang ng taong gusto mo? Hanggang kaibigan ka na lang ba? or would you take a risk para mahalin ka din niya? Kung oo, Paano?