Sabi nila: you have to wish on a star and keep it, to keep your wish attached to you. But why would I wish if I can make it in reality right? Ika nga nasa Diyos ang awa pero palaging nasa tao ang gawa. Sa tunay na buhay ng kabataan ngayon mas gusto nilang magkaroon ng magandang ngayon kaysa magandang bukas. Naniniwala ka ba sa tunay na halaga ng kaibigan o tunay na kaibigan? Okay kayo ng kaibigan mo ngayon bukas okay padin ba? Masaya kayo ngayon bukas masaya padin ba? Sobrang tunay kayo sa isa't isa ngayon bukas tunay padin ba? Marami kang kaibigan ngayon bukas marami padin ba? Tunay na kaibigan ba ang matatawag mo sa kaibigan mong matagal mo nang kasama? Eh yung bago mo lang na kakilala? Yan ang tanong na nasa isip ni Tala, na palaging gumugulo sa kanya. Maiisip padin ba niya ang kaibigan niya kapag dumating na siya sa puntong tutungtong na siya sa realidad ng buhay? Ang mga mangyayari ba sa kanya sa realidad ang tutuldok sa kanilang pagka-kaibigan?