The Quiet Ache

The Quiet Ache

  • WpView
    GELESEN 147
  • WpVote
    Stimmen 4
  • WpPart
    Teile 8
WpMetadataReadLaufend
WpMetadataNoticeZuletzt aktualisiert Do., Mai 1, 2025
May mga taong dumarating sa buhay natin na parang sagot sa matagal nating dasal. Yung tipong sa isang sulyap pa lang, alam mong sila na. Pero minsan, kahit gaano katotoo ang nararamdaman, may mga pagkakataong kailangang isuko ang puso hindi dahil gusto mo, kundi dahil wala kang ibang pagpipilian. Ito ay kwento ng dalawang babaeng pinagtagpo ng panahon pero hindi itinadhana ng pagkakataon. Minsang naging tahanan sa isa't isa, pero piniling lumayo para magpakatatag sa mundong hindi tanggap ang kanilang pagmamahalan. At nang muling nagtagpo, dala na nila ang bigat ng buhay mga pangakong binitiwan para sa iba, mga responsibilidad na kailangang unahin kaysa sa sariling damdamin. Sa bawat ngiting pilit, may luhang pinipigil. Sa bawat titig, may pakiusap na hindi mabigkas. Gusto nilang bumalik sa dati - sa panahong sila lang ang mahalaga - pero wala na sila roon. Sa katahimikan ng kanilang muling pagtatagpo, naroon ang mga sigaw ng pusong pagod na magpigil, ngunit hindi kailanman tumigil sa pagtibok para sa isa't isa. Hindi ito kwento ng pagkakamali. Ito ay kwento ng pagmamahalang totoo - pero kailangang isakripisyo. Kwento ng dalawang taong piniling masaktan para hindi makasakit. Kwento ng pusong umiibig nang palihim, umiiyak nang walang nakakakita, at umaasang kahit papaano, sa dulo ng lahat, maiintindihan din sila ng tadhana. At kung may pinakamalaking tanong na iniwan ang kwentong ito... Hanggang kailan mo kayang yakapin ang taong hindi mo maaaring hawakan? Ang istoryang ito ay kathang isip lamang at walang kinalaman sa totoong buhay💜🩷
Alle Rechte vorbehalten
#15
lenrisa
WpChevronRight
Werde Teil der größten Geschichtenerzähler-CommunityErhalte personalisierte Geschichtenempfehlungen, speichere deine Favoriten in deiner Bibliothek und kommentiere und stimme ab, um deine Community zu vergrößern.
Illustration

Vielleicht gefällt dir auch

  • Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
  • "So, It's You!" (GxG)
  • "Only For You" (gxg)
  • DAMAGED LOVE
  • At the Crack of Dawn (Sitio Feliza Series #1)
  • My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
  • Ang CRUSH kong LAITERO [COMPLETED...]
  •       " Island Of Love "
  • Isa Pang Balang Araw (Another Someday)

[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Dalaga pang dumating sa kanilang istorya,hindi siya naparoon upang mangulo hindi niya din natakasan ang mapaglarong tadhana.Gumulo Ang dating mapayapa nilang mga puso,pinagtagpo ngunit Hindi nakatadhana.Nagkita subalit hindi magawang hawakan Ang isa't isa,sobrang lapit na pero Hindi parin magawang magtagpo ang landas nila.Tinaggap ang kapalaran na naparoon lamang siya upang maging kontrabida sa isorya ng mga bida,umalis at Hindi na bumalik pa. "Pinapapili Kita kasi nag eexpect ako na ako Ang pipiliin mo." -Trisha Queen_Azlie

Mehr Details
WpActionLinkInhaltsrichtlinien