When Lavender smells nice

When Lavender smells nice

  • WpView
    Reads 23
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 4
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Tue, Apr 29, 2025
Sa mundong puno ng pasakit at hinagpis, naroon si Valien Venderla-isang tahimik at misteryosang estudyante sa isang unibersidad sa Maynila. Siya ay nagpasiyang lumipat sa bakanteng apartment upang itago ang kaniyang pagkakilanlan. Sa likod ng kanyang malamig na mga mata ay ang mga alaala ng nakaraan na pilit niyang nililimot. Hindi niya akalaing ang kanyang landas ay tatahakin ng isang tulad ni Javen Folersteden, isang matapat na pulis na ang tanging hangad ay ang katarungan. Isang pulis na hindi alam kung paano haharapin ang damdaming unti-unting nabubuo para sa isang taong tila ba may itinatago. Sa tuwing sila'y nagkakalapit, tila may kapalit. Laging may nasasaktan, may napapahamak. Hindi nila alam kung ito ba'y laro ng tadhana o isang babalang hindi nila dapat balewalain. Marami pang pagsubok ang darating. Sa pagitan ng tama at mali, pipiliin ba nila ang pagmamahalan, o ang mundong kailanman ay hindi naging pabor sa kanila? Hanggang saan ang kayang isugal para sa pag-ibig na hindi kailanman tinuring na tama?
All Rights Reserved
#146
confusion
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Mysterious University
  • (Free) Finally Found You (Tagalog)
  • Helga
  • ONE NIGHT SON (COMPLETED)
  • Falling for Midnight
  • ONE NIGHT STAND
  • The Last Memories (SERIES 3)
  • Angel In Disguise
  • Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia
  • Lost in the Woods ✔️ (COMPLETED)

"Bakit kayo lang ang nakakakita sa entrance ng University?" "Seryoso? wala kang nakikita? Pare-parehas lang naman tayong may mga mata ah. Hindi mo ba talaga nakikita ang malaking gate na ito? Tapos ang laki-laki pa nga ng nakasulat sa itaas 'Mysterious University' oh. " At tinuro pa ni Akiera ang sulat sa itaas. "Hindi ko nga nakikita ang lahat ng nilalarawan mo. All I see is an empty lot." "Empty lot? Eh ang tayog pa nga ng gusaling nakatayo. Mala-mansyon nga yata yung isang iyon na nasa bandang silangan." Pagpupumilit ni Akiera. Hindi niya alam kung paanong idetalye ang lahat ng tanaw ng kanyang paningin mula sa entrance ng Unibersidad kung saan sila kasalukuyang nakatayo. "Baka pili lamang ang maaaring makakita sa paaralang ito." "So anong gagawin natin eh wala nga talaga kaming makita." "Marahil ang nakakakita lamang ang maaaring sumubok na pumasok." Sabi ni Junard. "Eh paano naman kaming walang makita?" "Mabuti pa umuwi na muna kayo. Kami na bahalang lumutas sa misteryong ito." Pagsabi nito ay pumasok na sa bukas na gate si Damien. "Hala nasan na si Damien? Bigla syang nawala." Gulantang ng mga kaibigan niyang hindi nakakakita sa Paaralan. "Hindi nyo rin siya kita? Eh ayon oh, naglalakad lang sya sa path ways, pumasok na kasi siya ng gate." Paliwanag ni Akiera na lubos na ipinagtatanggol na totoong may entrance. "Damien! Oyyy! Hintayin mo ako. Walang iwanan ah." At tumakbo na din si Akiera papasok sa loob. "Hala! pati si Akiera ay naglaho!" Namimilog sa gulat ang mga mata ni Sabrina. "Sabrina!" "Naku buhatin nyo, nahimatay na si Sabrina." "Kayo na ang bahala kay Sabrina. Hindi ko maaaring hayaang mag-isang kasama ni Damien si Akiera. We all know that Damien is not a good man. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanya si Akiera." Pagsabi nito ay patakbong pumasok si Junard sa Entrance. "Junard no!!!!" Sigaw ng isa sa mga naiwan. Pero huli na ang lahat, hindi na ito nagpapigil. _____ Mature Content 🔞 Disclaimer: Photo

More details
WpActionLinkContent Guidelines