Story cover for God of Universe [ Book 1 ] by acefujiwara385
God of Universe [ Book 1 ]
  • WpView
    Reads 113
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 2
  • WpView
    Reads 113
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 2
Ongoing, First published Apr 20
Synopsis

Sa bayan ng Lagram, isang maaliwalas at maaraw na araw ang bumungad sa mga mamamayan.
Ang bawat pamilya mapa ordinaryo, mayaman, o kabilang sa maharlikang angkan ay tahimik at maayos na namumuhay sa kani-kanilang teritoryo. Bagamat may mga hindi pagkakaunawaan sa iba't ibang bahagi ng kaharian, ito'y itinuturing na karaniwan lamang-isang likas na bunga ng kani-kaniyang mga hangarin at ambisyon.

Ngunit sa gitna ng katahimikang iyon, isang kagilagilalas na pangyayari ang yumanig sa buong kaharian.
Isang kakaibang liwanag ang biglang bumalot sa loob ng isa sa mga ipinagbabawal na kagubatan-isang lugar na matagal nang tinatakutan at itinuturing na sagrado't delikado.

Marami ang nakasaksi sa pangyayaring ito kaya't mabalis na kumalat ang balitang ito sa buong kaharian.

Samantala, si Aki, isang binatang tinaguriang malas sa sariling pamilya, ay aksidenteng napadpad sa nasabing gubat matapos siyang palayasin at habulin ng mababangis na demon beasts. Wala na siyang pamilya, walang kakampi, at tila wala na ring kinabukasan.

Ngunit, ano kaya ang naghihintay sa kanya sa loob ng kagubatang iyon?

Makakatuklas kaya siya ng lakas at kapangyarihang magliligtas sa kanya mula sa kapahamakan-at marahil, magbibigay ng panibagong layunin sa kanyang buhay?

O doon na rin magtatapos ang kanyang kwento-isang binatang inabandona ng mundo at nilamon ng kadiliman?



Halina't tunghayan natin ang kapalaran ni Aki, at ang simula ng kanyang paglalakbay tungo sa isang tadhana na maaaring magbago sa buong mundo.
All Rights Reserved
Sign up to add God of Universe [ Book 1 ] to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 by Mvirgo_17
35 parts Ongoing Mature
𝚂𝚢𝚗𝚘𝚙𝚜𝚒𝚜 Si Zarr ay ulilang lubos. Bago pa man siya maging ulila ay mayroon siyang pamilya, subalit hindi totoong pamilya. Inampon lamang siya ng mag-asawang Larine at Crado. Subalit, isang trahedya ang nangyari nang gabing iyon. Sinalakay ng mga misteryosong lalaki ang kanilang tahanan at pinaslang ang kaniyang kinikilalang magulang at naging bangungot iyon kay Zarr. Isa lamang pangkaraniwan si Zarr, subalit gagawin niya ang lahat upang maghiganti at mabigyang-hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kinikilalang magulang. Gagawin niya rin ang lahat upang alamin ang kaniyang totoong katauhan. At isa lamang ang naiisip niyang paraan upang magawa ang mga nais niya, iyon ay magpalakas nang magpalakas. Dahil lakas lamang ang batayan ng mga karapatdapat. Kung hindi ka malakas ay wala kang kwenta. At ang malalakas ang mga nakakaangat. Hahalughugin niya ang buong kontinente ng Critonya upang magpalakas at maghanap ng mga oportunidad. Ngunit, mayroong mas malalakas pa sa kaniya kaya kailangan niyang makipagkumpetensya sa mga ito. At dahil isang mapangahas si Zarr, makikipagkumpetensya siya sa mga malalakas kahit pa malagay sa alanganin ang kaniyang buhay. Dahil din sa kapangahasan ni Zarr, makakatagpo siya ng mga mahigpit na kalaban. Dahil din dito, makikilala niya ang isang lalaki na kakaiba sa lahat ng kaniyang nakilala. Isa kaya itong kalaban o kaibigan? Kakayanin kaya ni Zarr ang mga pagsubok at hamon sa kaniyang buhay? Magiging matatag kaya siya sa mga ibinabatong panghahamak sa mga nakakasalamuha niya? Magtatagumpay kaya siya sa kaniyang paghihiganti at paghahanap sa kaniyang tunay na magulang? Subaybayan natin ang kasabik-sabik na kwento ni Zarr Albarn sa The Divine Emperor.
You may also like
Slide 1 of 6
IGNISIA cover
Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1] cover
Killua, My Bodyguard. cover
LUMINOUS (Fantasy Novel) cover
Magindara [Completed] cover
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 cover

IGNISIA

16 parts Complete

Sa isang mundong hinati ng kasaysayang binura at mga kwentong pinatahimik, tumindig si Amara, isang dalagang may kakayahang magpagalaw ng apoy, bilang ilaw sa gitna ng dilim. Hindi niya batid ang pinagmulan ng kanyang kapangyarihan, ngunit sa kanyang paglalakbay ay unti-unti niyang natuklasan ang lihim ng kanyang lahi, ang ugnayan niya sa mga sinaunang diwata, at ang kapalarang nakaukit sa kanyang dugo. Sa tulong ng mga kakamping may kanya-kanyang natatanging kakayahan-isang mandirigmang may paningin ng agila, isang mambabarang na ang salita ay may bisa, at isang tagapagsalaysay na kayang buhayin ang guniguni-sinalungat nila ang mga aninong gustong burahin ang alaala ng bayan. Sa bawat kabanata, hinarap nila ang mga nilalang mula sa alamat, mga nilimot na kasaysayan, at ang sariling sugat ng nakaraan. Hanggang sa dulo, kung saan humarap si Amara sa Balon ng Mga Di-Kuwento, napagtanto niyang ang tunay na apoy ay hindi lamang para sa digmaan-ito'y para sa pag-alaala, para sa pagkilala, at para sa muling pagbuhay ng mga kwentong minsang isinantabi. IGNISIA ay isang epikong pantasya at pakikipagsapalaran na sumasalamin sa kayamanang mitolohikal ng Pilipinas, sa kapangyarihan ng alaala, at sa paglalakbay ng isang babae patungo sa pagiging tagapagtaguyod ng liwanag sa gitna ng kadiliman.