Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

  • WpView
    Reads 1,172
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 9
WpMetadataReadMatureOngoing
WpMetadataNoticeLast published Wed, Apr 23, 2025
WpInfo
Fiction
Romance
Laking probinsya si Lylia at maagang naulila kasama ang kapatid niyang may malubhang sakit. Dahil sa hirap ng buhay, namulat siya sa realidad at kinailangan dumiskarte para sa kapatid at sa pang araw-araw nilang gastusin kaya naman naisipan niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan. Ngunit matapos niyang madiskubre na si Raze-na kapitan ng barangay nila ang pinagkakautangan ng mga namayapa niyang magulang ay napilitan siyang tanggapin ang deal nito at 'yon ay makasal sila bilang kabayaran sa kalahating utang niya kung hindi ay ipapa-demolish ng kapitan ang bahay pati ang karinderya nila na siyang pinagkukunan nila ng hanapbuhay. Lingid sa kaalaman ng lahat, bukod sa pagiging mag-asawa nila, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay para bayaran ang natitira pa nitong utang sa kapitan. Kilala si Raze bilang kuripot at mahigpit na kapitan sa Barangay Abueña. Strikto siya pagdating sa pag-implementa at pag-apruba ng mga proyekto lalo na sa paggamit ng pondo sa barangay. Matagal siyang nawala sa lugar pero namo-monitor pa rin niya ang nangyayari sa barangay. Ang hindi alam ng iba, isa pala siyang sekretong bilyonaryo na nagmamay-ari ng airlines, hotels at resorts sa Pilipinas na tanging mga may dugông maharlika ang in-accomodate. Nang bumalik siya, sa sabungan niya unang nakita ang babaeng sa larawan lamang niya nasilayan-si Lylia, ang babaeng nagkakautang sa kanya at doon nabuo ang mapaglaro niyang plano at 'yon ay pilitin itong pakasalan siya. Posible kayang mauwi sa totohanan ang deal nila o isa sa kanila ang madudurôg at uuwing luhaan?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • The Contract
  • The Billionare's Disguise (COMPLETED)
  • SECRET AND LIES WITH YOU
  • Billionaire's Gangster Wife
  • BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
  • The Arranged Marriage (𝙶𝚇𝙶/𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
  • Girl Like You Series 2: Turn Me On |R-18|
  • Mr Billionaire's Fake Wife
  • The Heiress and Her Boss [COMPLETED]
  • MARRYING THE HEIR

Handang gawin ni Vera ng lahat para lamang maisalba ang kapatid mula sa sakit nito kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay kaya noong nalaman niyang naghahanap pala ng mapapangasawa si Charlie Thomas ay pinatos na niya ang pagkakataong mayroon siya. Nagbabakasakali siyang si Charlie na ang makapagliligtas sa kaniyang kapatid dahil sa laki ng offer nito, sigurado siyang matatapos na ang problema niya at sobra pa nga ito kung tutuusin. Naniniwala siya sa kakayahan niyang mapa-oo ang lalaki ngunit nang siya na ang kaharap nito sa interview, mariing tinanggihan siya nito at kung ano-ano pa ang mga sinasabi nitong pangmamaliit sa kaniyang pagkatao kaya nang siya ay magpaalam na, hindi niya talaga tinanggap ang offer ni Charlie para sana sa kaniyang kapatid dahil nasanggi nito ang kaniyang pride. Umalis siya sa Thomas Enterprises na may mabigat na puso. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung maisasalba pa ba niya ang kaniyang kapatid o si Charlie na nga ba talaga ang sagot sa kaniyang mga dasal gayong minaliit na siya nito't lahat-lahat.

More details
WpActionLinkContent Guidelines