Mahigit ilang daang taon nang kilala at matagumpay ang negosyo ng pamilya namin, simula nang ipamana kay Lolo Kaloy ang yaman at kaalaman ng aming mga ninuno. Hindi lang basta pera ang naipasa-kasama rito ang mga sikretong resipe, ang paraan ng pagtrato sa mga bisita, at ang puso ng bawat putaheng inihahain.
Lumago nang husto ang negosyo. Mula sa simpleng karinderya noon, naging isa itong kilalang restaurant na dinarayo ng mga tao mula sa iba't ibang lugar. Malaki, maayos, at may antigong disenyo, kaya hindi lang sa pagkain kilala ang lugar, kundi pati sa kanyang kakaibang ambiance na tila bumabalik ka sa nakaraan.
Hindi rin maikakaila ang paghanga ng mga tao. Marami ang naiinggit, pero mas marami ang bumibilib sa disiplina at dedikasyon ng pamilya namin sa pagpapatakbo nito. Iba ang timpla ng bawat putahe-may halong pagmamahal, alaala, at kasaysayan.
Itinayo ang malaking antigong restaurant sa bayan ng Fuentabella noong Hunyo 7, 1984. Sa kabila ng paglipas ng panahon, pagsubok, at pagbabago ng henerasyon, nananatili itong matatag. At ngayon, taong 2025, patuloy pa rin itong umaani ng papuri at pagmamahal mula sa aming komunidad.
Sa bawat pinggang inihahain, sa bawat kwentong bumabalot sa bawat sulok ng restaurant, ramdam ang diwa ni Mang Kaloy-ang pusong hindi nagsasawang mag-alaga, magluto, at magbahagi.
Simula nong ipinananganak ako sa Makati hindi na ako nakabalik sa Bayan ng Fuentabella. Lupain namin na ni minsan ay never ko pang napuntahan.
Ngunit panay naman ang kwento ng lola ko sa akin tungkol sa bayan na iyon. Ang bayan na iyon ang aming nag-iisang lupain na sobrang lawak at may magandang tanawin ay ni minsan hindi ko pa nagawang silipin.
Ano kaya ang mangyayari sa akin sa oras na makarating ako sa bayan?
Anong mga kwento kaya ang aking maririnig sa bayan na ni minsan ay hindi nagawang sabihin ng aking mga magulang?