•GENRES: Historical, Fantasy, War, Romance, Tragedy
•ACHIEVEMENT: Wattys 2016 Awardee
•HIGHEST RANKING: #1 in Historical Fiction
Ang alitan ng apat na imperyo ng Atlanta, na nanahimik at natulog sa napakahabang panahon ay muling nagising nang patayin ng Imperial Princess na si Kristine ang sarili niyang kapatid. Kilala sa pagiging malupit na emperador ng Kris ang kanyang ama. At maging siya na sariling anak ay hindi nakaligtas sa kaparusahang ipinapataw sa sino mang nagkasala sa batas.
Ngunit, ang parusang ipinataw ng emperador sa kanya ay ang pagpapakasal sa isa sa mga prinsipe ng tatlong kalabang imperyo. Hindi lamang ito isang kaparusahan kundi isang napakalaking obligasyon.
Sa mga kamay niya nakasalalay ang kapakanan at kinabukasan ng buong imperyo ng Kris. At kapag nagkamali siya sa pagpili ng mapapangasawa ay tiyak itong ikababagsak ng kanilang kaharian.
Kung mapagtagumpayan naman niya ito ay hihiranging konsorte ang kanyang mapapangasawa, at ang kanilang magiging anak ay ang siyang tiyak na susunod na emperador ng Kris.
Ngunit, paano nga ba niya ito mapapagtagumpayan kung ang lahat ng imperyong iyon ay hangad ang kanilang pagbagsak? Ano nga ba ang totoong dahilan at pinatay niya ang sariling kapatid? May magagawa pa kaya ang prinsesa upang maitama ang mga nagawang pagkakamali?
[Ps. CURRENTLY UNDER REVISION AND EDITING!]
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos