Sa Westvale High, hindi uso ang pagiging invisible-lalo na kapag ikaw si Caleb Donovan. Captain ng basketball team, campus heartthrob, at certified chick magnet. Kaya naman nagulat ang buong school nang bigla siyang pumorma kay Aerin Gustavo, ang tahimik at laging nasa sulok na girl na walang pakialam sa popularity. Sa unang tingin, parang fairytale ang prince charming na nahulog sa simpleng babae.
Pero hindi alam ni Aerin, laro lang pala lahat. Isang pustahan. Isang game kung saan ang premyo ay ang puso niya. At nung nalaman niya ang totoo, parang may bumagsak na mundo sa kanya. Pero imbes na umiyak o mag-walk out, ngumiti lang siya... at nagdesisyong makipaglaro rin. Akala ni Caleb siya pa rin ang may hawak ng laro ang hindi niya alam, unti-unti na siyang nahuhulog sa babaeng akala niya'y madali lang paikutin.
Ngayon, habang patuloy ang palabas nilang dalawa, isa lang ang tanong..... anong mangyayari kapag hindi na umaarte si Caleb at totoo na pala ang nararamdaman niya? At kapag dumating ang araw na kailangang sabihin ang totoo, pipiliin ba ni Aerin ang pagmamahal... o ipapaalala niya kay Caleb kung paano masakit ang maloko?
"Papatulan ko lahat ng kabaliwan mo, just to make sure na hindi ka mawawala sa akin. I'd rather look stupid than to spend my whole life without you near me."
Hindi inaasahan ni Heaven na tototohanin ng kanyang ama ang sinabi nito na ipinagkasundo siya nito kay Kurt Tan. Kapag hindi raw siya nagpakasal kay Kurt, kahit singkong duling ay wala siyang matatanggap na mana. Pero sadyang matigas ang ulo niya. Tumakas siya. Wala siyang alam na mapupuntahan maliban sa bahay ng kaibigan niya noong college. Kaya bitbit ang napakataas na pride niya ay nagtungo siya sa isang liblib na bayan sa Quezon para doon magtago.
Doon niya nakilala si Christian Opeda. She fell in love with him. Masaya na sana siya sa bagong buhay niya pero noon naman siya natunton ng mga magulang niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para lang hayaan na siya ng mga ito. At halos mamatay siya nang malaman niyang ang nagturo ng kinaroroonan niya ay ang walanghiyang si Christian!