Ulan.
Sa bawat patak nito, may mga alaala akong pilit binabaon, pilit kinakalimutan - pero parang ulan, hindi ko mapigilan bumuhos.
At sa bawat pagbuhos ng langit, bumabalik ka.
Ethan.
Ang lalaking minahal ko sa paraang hindi niya kailanman naintindihan.
O baka... hindi niya kailanman hinayaang maintindihan.
Ito ang kwento namin - hindi ng isang perfect love story, kundi ng dalawang taong parehong takot, parehong naguguluhan, pero parehong hindi makatanggi sa hatak ng isa't isa.
Sana hindi kami malunod sa sarili naming ulan.
He Left But The Rain Stayed
Ethan was the boy Maverick never meant to fall for - loud, reckless, untouchable.
Maverick was the boy Ethan never thought he'd notice - soft, careful, impossible.
When a sudden reunion under the pouring rain rips open old wounds, they are forced to face everything they left unsaid.
But not everything is black and white - sometimes, it's the thunder between silences, the heavy air before a confession, the look that lingers a second too long.
Can two broken souls, separated by pride, fear, and expectations, find each other again before the rain finally washes them away?
A story about almosts, second chances, and the heartbreak of wanting someone you're not sure you're allowed to love.
Labing-anim na taon na ang lumipas, hindi ko parin alam anong tawag sa kung anong meron sa aming dalawa.
I can't even say we're friends. Kaibigan siya ng kaibigan ko. Kakilala? Kapit-bahay? Dating schoolmates?
The list goes on but inside my head, there's something more between us than being simply acquainted.
Special connection? Every after four years kasi, may nangyayaring importante sa buhay kong konektado sa kanya. Pure coincidence? Maybe. Baka nagkataon lang talaga at hindi gawa ng tadhana.
2010, 2014, 2018, 2022. . . tapos ngayong 2026. Bakit lumilitaw siya sa mundo ko kada apat na taon? May schedule ba siyang sinusunod? Destiny ba o free will? Like desisyon niya talagang magtago at magpakita sa'kin kung kailan niya gusto?
No matter what it's called, there's one thing that's constant every time I see him. My feelings. Pakiramdam na hindi ko maipaliwanag hanggang ngayon. Emosyon na hindi ko mapangalanan.
Kung kailan nagsimula, 'di ko na tanda. Literal na nakatitig lang ako sa kanya isang araw tapos napagtanto ko nalang na parang may nag-iba.
I know it's not love-or is it? Attraction lang ba? Harmless crush? Ewan. Basta kapag nakikita ko siya, my feelings get swayed. Some unknown force tugs my heartstrings. I always find myself being pulled towards him.
Nang muli kaming nagkita sa taong ito, parang biglang gusto kong alamin kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Gusto kong pangalanan. I-explore. Bigyan ng chance na mag-flourish.
Seeing him again made me wonder na Oo nga, bakit hindi nalang kaming dalawa?
***