5 parts Ongoing Si Summer ay isang babaeng hindi sanay maging sentro ng kwento. Tahimik, mabait, at laging nasa gilid ng eksena-hindi dahil gusto niya, kundi dahil mas ligtas doon. Pero kahit anong iwas niya sa spotlight, may mga taong sadyang darating para guluhin ang tahimik niyang mundo.
Isang dahan-dahang paglalakbay ng dalawang taong tila hindi itinadhana, pero sa bawat salubong ng mata, may tanong-paano kung sa likod ng lahat ng ingay, may dalawang pusong tahimik lang na unti-unting nagkakarinigan?
Isang kwento ng pagkilala sa sarili, pagbitaw sa nakaraan, at pag-usbong ng damdaming hindi minamadali.
Dahil hindi lahat ng pagmamahalan kailangang mabilis.
Minsan, ang pinakamatamis ay 'yung pinakamabagal ang pag-usbong.