Where Love Spills

Where Love Spills

  • WpView
    Reads 1,399
  • WpVote
    Votes 76
  • WpPart
    Parts 49
WpMetadataReadMatureComplete Sun, Jul 6, 2025
WpInfo
Fiction
Romance
[COMPLETED] Hindi madaling mabuhay sa Maynila lalo na kung ikaw ang sandalan ng pamilya mo sa probinsya. Para kay Kristiana Lourdes, araw-araw ay laban - sa mababang sweldo, mataas na upa, at sa mga pamilyang umaasa sa bawat padala niya buwan-buwan. Pagod na siya, pero hindi siya pwedeng tumigil. Hanggang isang araw, dumating si Eriksson Pierre, lasing na lasing, amoy heartbreak at alak. Ang sabi-sabi, iniwan daw siya ng girlfriend niya. Pero imbes na umuwi, nagdesisyon siyang lasingin ang sarili, sa bar kung saan bagong bartender si Tiana. Tuloy-tuloy sa pag-order ng shots, kahit halata nang hindi na niya kayang tumayo ng diretso. "Isa pa," aniya, habang nakapikit na ang isang mata, medyo ngiting-aso pa. Pero si Tiana, hindi basta-basta nagpapainom. "Kuya, tama na. Lasing ka na, walang bubuhat sa'yo." Nagkatinginan sila, isang babaeng sawa sa responsibilidad, at isang lalaking nalulunod sa sarili niyang gulo. Hindi nila alam na ang simpleng sagupaan sa bar na 'yon, ay magiging simula ng isang kwento ng dalawang komplikadong puso.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Under Her Seduction (COMPLETED)
  • 'Til the end of time
  • Can You be My 15 days Girlfriend?
  • SUBMISSIVE LOVE
  • LOVE ME AGAIN [ COMPLETED ]
  • I Love You Miss Maarte
  • Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
  • CARLOS SAN Miguel (CACAI1981 XCLUSIVE)
  • Two Steps Behind (Completed)
  • The Love Unwanted

Si Celestia Valentina Azurea, isang babaeng walang kaarte-arte sa buhay, laging handang sumubok sa lahat ng mga bagay, at laging kasangga ang best friend na si Ky Shiloh. Laging go sa mga kalokohan. Ngunit isang gabi sa club, nagbago ang takbo ng kanyang kwento. Nakilala niya ang isang napakagwapong lalaki na nag-iisa lang at tila nagmamasid-masid sa mga dumaraang tao sa isang high-end club na kanilang pinasukang magka-kaibigan. Hindi nag-atubiling magpa-cute si Celestia at naghangad na mapansin ito ng binata. Sa buhay niya, meron siyang motto: "Kapag akin ay akin lang, susungkitin ko yan kahit si tadhana ang pumigil sakin." Pero hindi niya inaasahan na ang lalaking ito pala ay siyang ang naka-encounter nila ni Ky sa mall na napasabi niyang bakla dahil nanotice niya ang pagpilantik ng kamay at may pa-kembot pa na lakad. At hindi niya maexpect na sa dinami-dami ng tao ito pa talaga ang nakita niya sa club. Paano niya natuklasan na bakla ang lalaking ito? Simple lang, may kapangyarihan si Cel na makadetect ng mga bakla! Kaya naman sobrang disappointed siya at ang sama ng tingin niya sa lalaki habang nilulunod niya ang sarili sa alak. Pano ba naman kasi may nilalanding lalaki ito sa harap niya. "Awit, hindi kami talo," napasabi niya habang nangasim ang mukha. Ngunit kinabukasan, nagising siya sa isang high-end na kwarto, hubo't hubad, at ang katabi niyang tao ay parang babaeng kung sumigaw at tumili. "OMGGEEEEE GINAHASA MO KO!" malakas na tili na nakakabingi ang gumising sa kanya at agarang tinakpan ni Cel ang dalawang tenga niya at inis na tumingin sa kaninong boses na iyon. Ngunit huminto ang mundo niya at nanlaki ang mata nang mapagtanto niyang ang guwapong lalaki sa club ay naka-kasama niya sa kwarto! Hindi inaasahan ni Cel ang mga mangyayari, at ngayon ay nagsimula na ang nakakalokang kwento ng buhay niya.

More details
WpActionLinkContent Guidelines