Kadalasan hindi ka na lang talaga maniniwala kung totoo nga ba ang iyong mga nakikita, nakakasalamuha o nakakausap. Nakasisigurado ka ba na yang kausap mo kanina ay ang taong malapit nga sa iyo? Nakakasigurado ka ba na ang pinagtanungan mo kung ano ulam para mamaya ay ang iyong ina? Nakakasigurado ka bang kaibigan mo ang yinaya mong makipaglaro kanina? Paano kung hindi pala? Paano kung nagkukunwari lamang siya. Ano ang gagawin mo? Ang nangyari ay hango sa totoong storya. Pinalitan ang pangalan ng mga tauhan at lugar upang mapanatili ang kanilang pribadong buhay. Kung may kilala kang kapangalan ng nasa storya at parehas na lokasyon kung saan nakatira ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Sana'y magustuhan niyo ang storyang ito. Maraming Salamat. :)