Story cover for Frozen Shadows, Burning Fate by pretty_redskie
Frozen Shadows, Burning Fate
  • WpView
    Reads 21
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 7
  • WpView
    Reads 21
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 7
Ongoing, First published May 05
Sa mundo ng Arcania, isang malamig na hari ng anino at isang babaeng may dugong apoy ang magtatagpo. Si Kael ay isang walang pusong mandirigma na sanay sa dilim, habang si Lyra ay isang simpleng babae na may kapangyarihang kayang sunugin ang kanyang tadhana. Sa pagitan ng digmaan, lihim, at propesiya-sino ang magwawagi: ang yelo ng nakaraan, o ang apoy ng kapalaran?
All Rights Reserved
Sign up to add Frozen Shadows, Burning Fate to your library and receive updates
or
#199wattpadph
Content Guidelines
You may also like
Ang Gunitang Kapalaran | 𝐄𝐧𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐢𝐚 ✵ by kvssy_Mvrikit
15 parts Ongoing
Akala nila'y tapos na ang digmaan. Nang malipol ang huling kawal ni Hagorn, naniwala ang mga Sang'gre na ito na ang pagbagsak ng Hatoria. Ngunit sa anino ng kanilang tagumpay, may unti-unting nagbabalik - mas madilim, mas sinauna, at walang kapantay. Muling lumitaw ang mga Ivtre. Mula sa ilalim ng Balaak, pinakawalan ni Hagorn ang mga nilalang na nilimot ng panahon - mga nilikhang hindi tinatablan ng kapangyarihan, at walang pagkakakilanlan sa awa. Isa-isa nilang nilalagas ang mga tagapagtanggol ng Encantadia, habang kinukuha ang bawat Brilyante sa kanilang daraanan. Walang sandata ang sapat. Walang Sang'gre ang makakatapat. At sa gitna ng desperasyon, isang desisyon ang ginawa ng Hara ng Lireo, si Amihan: buhay sa buhay. Ivtre sa Ivtre. Handa na siyang isakripisyo ang sarili - ngunit may isang lihim na hindi pa alam ng kahit sino. Habang abala ang lahat sa digmaan, si Cassiopea ay naglaho. Hindi upang tumakas, kundi upang sunduin ang isang nilalang na matagal na niyang inililihim mula sa buong mundo... Si Adhira. lumaki sa gitna ng karaniwang buhay - ngunit sa kanyang dugo ay dumadaloy ang kapangyarihang hindi kayang ipaliwanag ng alinmang Brilyante. Dahil si Adhira ang anak ni Cassiopea... at ni Bathalumang Emre. Isang nilalang na kalahating Diwata, kalahating Diyos. Nakalimutang pamana ng liwanag. At sa kanyang pagbabalik, magbabago ang kapalaran ng Encantadia. Kung pipiliin niyang manindigan... O kung lamunin siya ng kanyang sariling kapangyarihan.
Arkcray (Pinoy Fantasy BL) by Gonz012
30 parts Complete Mature
Genre: Fantasy, BL, Comedy, Romance, Drama, Action Language: Tagalog Synopsis: Payapang naninirahan ang lahat ng kaharian sa mundo ng Gaia, ngunit isang araw, si Haring Daemon, ang namumuno sa Kaharian ng Helios na siyang pinakamaunlad at may pinakamalaking lupain sa buong Gaia ay nakatanggap ng isang masamang pangitain. Si Haring Daemon ay sinabihan ng isang babaylan na may kapangyarihang makita ang hinaharap, na siya at ang kanyang kaharian ay pababagsakin ng isang nilalang na tinatawag nilang propesiya. Ang propesiya na ito ang siyang magpapabagsak sa Kaharian ng Helios at kay Haring Daemon upang pagbuklirin ang buong Gaia at mamuhay ng pantay-pantay at balanse. Ngunit, dahil sa kalupitan at kasakiman ng Haring Daemon, siya ay tutol dito at nais niyang ipapatay ang nasabing propesiya na siyang nakatakda na baguhin kung ano ang kanilang pamumuhay. Iminungkahi ng babaylan na nakakakita sa hinaharap na ang propesiya ay nagmula pa sa kaharian ng Apollo, ang kaharian ng mga manggagamot. Para kay Haring Daemon, madali niya lang masasakop ang kaharian ng Apollo dahil ang mga nilalang na naninirahan doon ay hindi marunong makipaglaban. Kaya naman walang pasubali na sinakop ni Haring Daemon ang Kaharian ng Apollo at dinakip lahat ng mga Apollan upang ikulong sa Kaharian ng Helios. Ngunit, lingid sa kaalaman ni Haring Daemon, ay may isang nilalang na nakatakas... at iyon ay walang iba kung hindi si Arkcray, ang nilalang na magpapabagsak kay Haring Daemon at sa kaharian ng Helios. Ngunit, paano gagawin ni Arkcray ang kanyang nakatadhang tungkulin kung siya ay isang Apollan na hindi marunong makipaglaban?
You may also like
Slide 1 of 9
IGNISIA cover
Manderstein University cover
Ang Gunitang Kapalaran | 𝐄𝐧𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐢𝐚 ✵ cover
Different Realms: Xyriel Academy cover
Love Beneath The Moonlight cover
The Prophecy cover
Arkcray (Pinoy Fantasy BL) cover
Hanggang Sa Dulo Ng Aking TADHANA cover
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat cover

IGNISIA

16 parts Complete

Sa isang mundong hinati ng kasaysayang binura at mga kwentong pinatahimik, tumindig si Amara, isang dalagang may kakayahang magpagalaw ng apoy, bilang ilaw sa gitna ng dilim. Hindi niya batid ang pinagmulan ng kanyang kapangyarihan, ngunit sa kanyang paglalakbay ay unti-unti niyang natuklasan ang lihim ng kanyang lahi, ang ugnayan niya sa mga sinaunang diwata, at ang kapalarang nakaukit sa kanyang dugo. Sa tulong ng mga kakamping may kanya-kanyang natatanging kakayahan-isang mandirigmang may paningin ng agila, isang mambabarang na ang salita ay may bisa, at isang tagapagsalaysay na kayang buhayin ang guniguni-sinalungat nila ang mga aninong gustong burahin ang alaala ng bayan. Sa bawat kabanata, hinarap nila ang mga nilalang mula sa alamat, mga nilimot na kasaysayan, at ang sariling sugat ng nakaraan. Hanggang sa dulo, kung saan humarap si Amara sa Balon ng Mga Di-Kuwento, napagtanto niyang ang tunay na apoy ay hindi lamang para sa digmaan-ito'y para sa pag-alaala, para sa pagkilala, at para sa muling pagbuhay ng mga kwentong minsang isinantabi. IGNISIA ay isang epikong pantasya at pakikipagsapalaran na sumasalamin sa kayamanang mitolohikal ng Pilipinas, sa kapangyarihan ng alaala, at sa paglalakbay ng isang babae patungo sa pagiging tagapagtaguyod ng liwanag sa gitna ng kadiliman.